…. 11th blbg!, sina maryo at marya …

sa aking pananaw, kahit anong ganda ng  o ng cirque de soleil ng bellagio, le miserables ni victor hugo at life of pi na inimbento ni piscine molitor para kay yarin martel, hindi pa rin patatalo ang alamat ni maryo at maryo ng mga taga-ilog, na isang ring nobelang walang katapusang maituturing tungkol sa buhay ng mga pinga na walang katapusan …

o, eto na na naman ang umpisa ng balabag, kapit kayong lahat …

noong unang panahon sa lupaing malaya, nagkatipan ang dalagitang si marya ng angkan ng pi at isang dayang-dayang na tunay na madirigma sa kahariang mabunga, at si maryo na may taguring haring nga ng kumintang na sagana …

itinakda silang dalawa ng dakilang lumikha na isilang sa balat ng lupa upang simulan ang lahi ng mga pinga

katutubo ang dalaginding sa kanugnog na lalawigang mabunga na pinamumuhayan ng mga dakila na nagmula sa lahi ng mga maginoo na ang tahanan ay tinandaan ng kambal na burol sa paanan ng amang kabundukan …

sa bukana ng isang ilog wawang binubukalan ng mga butil ng ginto at lagusan ng mga hinaing, kagalakan at luha ng mga katutubong lahi sa isang itinanging pulo na nililigid ng mayamang karagatan …

kagalang-galang ang matimyas na dayang-dayang, tulad ng mga binukot na prinsesa ng mga tumandok sa mga bundok ng lalawigang panay subalit ang binibining tagalog ay higit na malaya sa pakikitungo at pakikihalubilo sa lahat ng mga katutubo, mahirap man o mayaman, karaniwan man o paham …

taglay ng dalaginding ang katauhan at angking talino sa pagsulat o pagbasa ng baybayin tagalog at likas ang kanyang galing sa pag-awit na ginagad sa mga huni ng ibon sa himpapawid …

sinasaliwan niya ng sayaw at indak ang mga awitin sa pampang ng ilog, mga libis, batis at talampas habang nagtatampisaw sa linang at mga dalampasigan ang kanyang mga binti at talampakan …

tulad ng mga ibong tikling sumasabay sa kasiyahan ng buong araw at gabi ng pasasalamat sa masaganang ani mula sa mga pataniman lalo na sa panahon ng magkasing na palatandaan ng kanilang angkan sa pagkakapantay-pantay ng mga tao sa mundo na dumadakila sa katutubong lahi na kanilang pinagmulan …

sa timyas at busilak ng pag-iibigan nina maryo at marya  ay pinangalanan ang lawak ng isang lupain ng mga huwan at huse bilang kaharian ng mabunga, na magpahanggang ngayon ay kilala pa rin sa ganoong katawagan sa kalookan ng rosadyo, lubo at taysan ng lalawigang kumintang, maging sa mga liblib na pook ng gapan ng dakong hilaga at mga balangay sa kalilayang kaharian ng dakong silangan …

samantala, ang babaing marilag ay isa ring gat na iginalang ng mga katutubo maging ng mga dayuhan sa ilog wawang naging taguan ng isang lihim na yaman ng mabunga, at ang kaniyang pakikipagbuklod sa hari ng kumintang ay sinaksihan ng lahat ng mga katutubo, matalino’t mangmang, maging mga mayayaman at dukhang mamamayan …

ginanap ang marangyang kasayahan sa panahon ng halug-dapug o magkasing ng magpantay ang araw at gabi; ang binibining paraluman ay may kutis na kayumangging kaligatan na pinatingkad ng yumi at gandang likas, tatag ng loob, giting at tapang; ang lalaki naman ay matikas, matipuno, may angking lakas ng katawan at di-karaniwang talino …

nagsayawan at sumisigaw sa galak ang mga malalayang timawa habang nilalandas nila ang mga ilog at landas sa lupa na tinatawa nilang daang-hari, pasan sa duyan ang mga kadalagahan makarating lamang sa pook na dingalan na darausan ng kakaibang pagdiriwang…

sa dalampasigan ng lawang maynila ginanap ang sumpaan ng magkasintahang naging isa na lamang … habang magkatabi, daop ang mga palad at taas-noong nanalangin paharap sa bagong sikat na araw … at ang mga saksing nanood ay nakaluhod na nanalangin …

ang mga taong hindi nakadalo ay nagdiwang din sa paligid ng lawang babae, sa pantabangan, hanggang sa taal at pitong lawa bilang pakikiisa sa isip at diwa ng magsing-irog; lahat silang sumaksi, nagdaos ng pagdiriwang o nagkaroon ng pagkakataong makihati sa kagalakan ay nagtampisaw sa tuwang taglay ang luhang may ngiti sa mata, habang pinagsasaluhan ang mga aning kanilang mga dala-dala bilang handog sa magsing-irog sa ngalan ng mga anito ng kanilang lipi at mga ninuno …

ang kanilang pagsisintahan ay nagbunga ng supling-lahi ng mga pinga na naging pagsasanib o katipunan ng magdiwang ng kanilang dalawang katauhan sa iisang katawan; sila ang magdiwang ng mga katutubong naghanap ng kalayaan sa loob ng mga libu-libong taon na pagiging totoong mga tao at mamamayang tagalog

subalit dumating ang panahong kailangang itinago ang lihim ng kanilang pangalan, pati na ang kahalagahan ng kanilang katauhan sa maraming paraan, maging sa pagsulat at pagbigkas na bunga ng mga liku-likong dila ng mga banyagang dayuhan na hangad ay makamkam ang kanilang likas na yaman …

tulad ng pagtatago ng lihim ng lamba ng niyog, ang pagkamaginoo ng kanilang mga pangalan, ang pangalan ng hari sa malumay na salita ay naging jaringa sa pagbaybay at bigkas na malumi … ang pi naman ang ginawang “pie” ng mga taong walang kaalaman ni bahagya sa sungkaan ng bulilang ng mga taga-ilog, kaya ang bigkas at sulat ng pangalan ng kanilang bukod-tanging angkan ay nagbago maging sa himig at anyo…

naglihis ng landas ang magsing-irog matapos magkaroon ng maraming supling at si marya ay nakatagpo ng isang dayuhang nabighani sa kanyang kagandahan noong gabing ang kanyang asawa ay nakilahok sa isang digmaan; hindi na nakabalik si maryo sa kanyang piling, maging ang banyagang-dayuhan na minsan niyang nakaniig …

ang kambal na sina ipi at ira na hindi magkamukha ay naging supling ni marya; iisa ang ina ngunit tig-isa ng ama, kapwa nagtaglay ng pangalang pinga na tatak ng mga dalawang dakilang lahi na pinagsama …

hindi alamat, ito ay isang katotohanan noong halos iisa pa ang salita sa kalupaan at karagatan ng mga pinga na kinilala ring lupaing malaya … sa napakalaking pulo ng pangaea na naglahong parang bula, noong marami pang mga kastilyo at toreng gawa sa garing mula sa pangil ng mga elepante sa katagalugang lupa …

google and bing tried to translate the above story, but their efforts in english are full of errors, out of context and became an inutile reproduction of truth  … as also done by the first foreigners who reached our lands and seas who monitored and chronicled in their books our forgotten past …

heheheh! to you, all nincompoops! …

One thought on “…. 11th blbg!, sina maryo at marya …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s