… 15th blbg, liham ni tambang huwan …

…..   panalangin ng bukas na liham …

bukas na liham para mabasa ng lahat ng mamayan, mayaman o mahirap, marangya o dukha sa pinagsamang mga pulo ng luzon, visayas at mindanao.

ako po si tambang huwan,  isang batang ituturing na paslit na mangmang sa yaman at karunungan dahil lamang sa kahirapan at kawalan ng anumang hangarin sa balasubas na pulitika, ay nag-uutos sa inyo, na:

ikaw na presidenteng bugok na abnoy ng tatlong malalaking pulo na tinagurian kong pilitpinas, nagsabatas ng kaluwagan para sa mga senior citizens at mga may kapansanan, ay maging mapagmatyag sa taimting pagpapatupad ng mga wastong patakaran ng mga batas ng gobyerno.

hindi ang mga batas sa pagpapataba ng inyong mga bulsang punung-puno ng taba ng baboy.

dahil baka unahan ka ni erap na maging presidententeng muli kahit na pinatalsik na ng kabarkadang ilokanong may sabit at ng simbahang liku-liko kasama ng babaing kapangpangan …

na ngayon ay meyor ng maynila na magpakulong daw sa mga mayayamang intsik na tulad mo na nagmamay-ari ng mga malls na bumabale-wala sa mga matatanda at may kapansanan  …

dahil sa kung hindi  ka maglalaan ng maliwanag at tamang utos sa  mga naghaharing at may-ari ng mga tindahan, kainan, inuman at ahensiya na sa inyo ay nangungupahan, ay ibabagsak ka ng tadhana ng kalikasang sa tamang lugar na impiyerno …

o baka naman unahin mo pa ang paghimod sa mga puwit ng mga suwitik na dayuhang banyaga, lalo na ang mga intsik na pinagmulan ng sariling mong angkan,  upang bigyan sila ng sapat na proteksyon  para ika nga eh mapaunlad ninyo lalo ang ekonomiya ng bayan (daw) …

gaya ng ginawa na ng mga nauna pang mga presidente na kaalyado ng mga may-aring negosyante ng kuryente at tubig dito sa bansa, na nagpapasa sa lahat, magnanakaw man o hindi,  sa pagbabayad ng mga illegal connection ng mga timawang busabos, huwag lamang mabawasan ang kanilang kita sa tubong-lugaw na negosyo kaya nga sila ay naging mayayaman …

ikaw, simbahan daw ng kabanalan, na nagpasunod sa timawang mamamayan tungo sa daw tuwid na landas na hindi tumatalima sa mga kautusan ng wastong pagkatao,  bagkus ay nagmamatnugot ng  likong pamamalakad sa ngalan ng inyong mga pangsarili at tiwaling paniniwala, na nakikipagkutsaba sa mga ahensiya ng tsismis ng bansa, na tinawag nilang print at television media na tinawag nilang yellow propoganda …

magpakatatag kayo pagkat malapit ng magunaw ang mundo, na hindi maaampat ng inyong sama-samang pagdarasal ang ganti ng kalikasang itinakda ng dakilang lumalang na pinangalanan ninyong dios ….

harinawa ni haring nga sa kanyang mga daang-hari,  mula sa babaing lawa patungo sa lawa ng maynila, upang makipag-isang dibdib sa isang dayang-dayang na pi ng kahariang mabunga  …

ako, si tambang huwan, ay tiklop-tuhod na nagusumamo na tupdin ninyo ang aking ipinag-uutos sa lalong madaling panahon, siya nawa at hari nawa! amen, ama naming bathala!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s