28th blbg … payatas ng pinga, ginto ang basura!

Payatas, ang LUPANG PANGAKO ng MAGINOONG TAGALOG!

Ang trahedya sa daw Payatas ay tumutukoy daw sa nangyaring pagguho ng bundok ng mga basura  sa Lungsod ng Quezon noong Hulyo 12, 2000 na ikinasira ng maraming kabahayan at ikinasawi ng mahigit sa dalawang daang katao.

Totoong merong gumuho pero kung sino man ang nagsulat noon, malamang na hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng salitang payatas o ang alam lang niya ay ang bundok ng basura.

Kasaysayan ng Payatas

Ang baranggay Payatas ay bahagi lamang ng isang malawak na lupain na ginawang Payatas Estate sa panahon ng pananakop ng mga amerikano.

Sa ngayon ay nasasakop ito ng malalaking pribadong subdibisyon at mga iniluklok na baranggay sa ilang mga bagong gawang siyudad at bayan sa kalakhang maynila.

Dating sakop nito ang La Mesa Dam at ang limot na Ilog Wawa sa Montalban at San Mateo na sumusuyod sa kahabaan ng mga siyudad ng Quezon, Marikina,  at Pasig  ng dating lalawigan ng Mabunga na nitong huli ay ipinangalan na lamang kay Rizal.

Ang probinsyang naturan na sa simula ay sumasakop sa buong kamaynilaan ang ipinalit na pangalan ng tunay na lalawigang na kilala noong unang panahon na KAHARIANG NG MABUNGA.

Ang Payatas ay itinuturing na kagubatang pampubliko ng Bureau of Forestry bilang alaala sa isang maginoong angkan, batay sa kasunduang isinulat at itinakdang handog na pangako ng maginoong angkan sa mga timawang katutubo sa katagalugan.

Nilagdaan ang kasulatan ng isang babaing maginoo na ang pangalan ay Magdalena Pinga.  Isa siya sa apat na magkakapatid na mga maginoo ng katagalugan na nagkasundong ipamahagi o ibigay na lamang sa mga taumbayang walang sariling lupa ang malawak na lupain ng kanilang maginoong angkan.

Simula noon ay nagkamkaman naman ang mga banyagang mamamayan kasama na ang simbahang katoliko at gobyernong itinatag sa lupaing payatas ng mga maginoong tagalog at ni hindi nila binigyang-halaga sa kasaysayang tagalog ang tunay na simula ng kanilang mga ari-ariang lupa.

Ang kasulatang nabanggit ay itinatago sa “national archives” ng bansang tinawag nilang Pilipinas at naging batayan ng pakikipagkasundo sa gobyernong amerikano ng isang katutubong heneral na tagalog na may pangalang Carlos Pena Romulo.

Dahil dito ay iginawad sa kanya ang tungkulin na  kalihim ng United Nations sa ilalim ng basbas ng mga amerikano.   Ang ina ni Carlos ay mula sa angkan ng mga maginoong nagpamana ng lupang payatas pero binaybay ang pangalan ng kanyang angkan sa ibang anyo.

Nang itatag ang Lungsod ng Quezon,  isa sa pinagbatayan ng mga nagtatag ang kalawakan ng lupang payatas ang kasulatan ni Magdalena.

Limampu’t tatlong bahagi ng lupain na sakop ng Payatas estate ay naging sakop ng lungsod, kasama ang anim na barangay ng  Barangay Payatas, Commonwealth,  Batasan Hills,  Holy Spirit,  Fairview at Silangan sa kabuuan ng Quezon City. Noong taong 1995, may populasyon itong 311,502.

Ngayon, ang populasyon nito ay naglalaro sa 450,000 hanggang 600,000 o higit pa.

Pagdating ng  taong 1973, malaking bahagi ng Barangay Payatas ay ginawang tapunan ng basura ng mga angkang tinawag nilang “gremios de mestisoz” o mga lahi ng mga haluang-dugo ng intsik at espanyol, kasama na rin ang mga amerikano, mehikano at maraming pang iba gaya ng mga muslim, kapangpangan at bisaya.

Ang  problema sa basura ay unti-unting lumaki hanggang noong dekada 90.

Ayon sa mga residente, noong mga 1988 hanggang 1989, abot pa ng kanilang tanaw ang lugar ng Batasan pero ng lumaon ay tuktok na lamang ng basura ang kanilang nakikita. Lumitaw din ang pangalang “lupang pare”  mula sa lupang payatas ng maginoong tagalog, na inari’t inangkin naman ng simbahan katoliko.

Nasimulan na rin ni Manuel L. Quezon ang pamamahala ng lupang pangako bilang presidente ng gobyernong “commonwealth” ng amerika at britanya.   Sa kanyang panahon napagtibay ang malawakang kamkaman ng lupa sa kamaynilaan para sa mga mayayaman at mga may poder sa gobyerno sa lupang payatas, katulad nina ortigas.

Naulit na naman ang sistema ng pag-agaw ng mga lupain noong panahon ng mga kastila.  Ang pagmamay-ari ng mga asyendang kastila ay iwinaksi kunwari pero ginaganap pa rin sa pamamagitan ng mga titulo torrens na sila-sila rin ang nagtakda o namahala.

Sa barangay payatas naman na naging tapunan ng basurang pinakakakitaan ng limpak-limpak na kayamanan, ay pinaghahatihatian ang koleksyon mula dito na napupunta sa mga nagmay-ari ng lupa batay sa naangking titulo torens, mga kolektor ng basura at mga opisyal ng gobyernong nangangasiwa.

Ayon sa Center for Research and Communication na tinatawag ngayong University of Asia and the Pacific,  ang pangungulekta ng basura ay isang industriyang nagkakahalaga ng P2.1 bilyong piso taun-taon.

Sa pag-aaral naman ng Philippine Daily Inquirer, kumikita ang operator ng tapunan ng basura ng mahigit sa P50,000 kada araw.

Ang Trahedya

Naitala ang unang insidente ng pagguho sa Payatas noong 1999.  Bagaman walang naiulat na namatay, 32 pamilya ang nawalan ng tirahan.  Agad na nagsagawa ng mga kilos-protesta ang mga apektadong residente sa tapat ng Quezon City hall upang manawagan na itigil ang pagtatapon ng basura sa Payatas subalit walang malinaw na aksyon silang natanggap mula sa opisina ng alkalde noon.

Kasagsagan ng ulan noong umaga ng Hulyo 10, 2009 ng biglang gumuho ang bundok ng basura  na ikinasira ng maraming kabahayan at ikinabaon ng mahigit 500 katao. Tone-toneladang basura ang tinanggal upang masagip ang ilang residente ng lugar na natabunan. Pagkatapos ng pagsagip, naitala ang mahigit 300 na kataong namatay at nawala.

Isinisisi sa lumang pamahalaan ang nangyaring sakuna. Dahil dito, lalong nalitaw sa publiko ang kawalan ng kakayahan ng pamahalaang lutasin ang problema sa basura, lalong higit sa pagpapatupad ng isang dakilang pangako ng pamamahagi sa lupain ng mga maginoong tagalog na tinawag noon ng PAYATAS.

Bagaman maayos na ang pinangyarihan ng trahedya, hindi pa rin nabibigyang linaw kung sino ang dapat sisihin sa nangyaring sakuna, kung sino ang dapat managot sa kawalan ng isang matuwid ng pamahalaang ibinabatay sa tunay na kalinangang tagalog.

Dapat bang sisihin sina quezon at mga sumunod pang mga presidenteng umugit ng pamahalaang mali-mali?  Dapat bang patuloy na takpan ang kahalagahan ng mga panahong lumipas upang tuluyang malimutan ng mga mamamayang walang nalalaman sa kanilang pinag-ugatan?
 

One thought on “28th blbg … payatas ng pinga, ginto ang basura!

  1. … nagkaroon nga ng isang foundation sa pangalan ni magdalena … ang foundation sa tagalog ay “saligan o sandigan” na dapat na itinuring na moog ng kasaysayan ng isang maginoong angkan sa katagalugan … subalit kinalimutan, ibinaon sa limot ng mga umuugit ng gobyerno, pati mismo ng mga baranggay na pinagkatiwalaang siyang magpapahalaga sa totoong pinagmulan ng mga lupaing katutubo, na siya ring pinangarap ni carlos na ang mga ninunong tagalog ay mga pinga …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s