77th blog … photo memories of batanes!

Ang Batanes ay ang pinakahilagang Lalawigan_ng_Pilipinas.

Binubuo ito ng mga pulo ng Batan, Sabtang at Itbayat kasama na ang mga malilit na pulong gaya ng fuga, camiguin, calupira, calayan, babuyan, siayan, mavudis, yami at maysanga.   

Ang kultura ng mga taga-Batanes o mga Ivatan, ay isa sa mga pinakamatanda sa buong Pilipinas.  Ginawang tulayan ng mga katutubo ang mga pulo ng Batanes upang makarating  sa mga malalayong lugar.  

Ang kultura nila ay pareho rin ng mga tribo sa Lan ng Taiwan at ang wikang Yami ay medyo hawig sa Ivatan dahil nga magkakanugnog ang mga pulong ito, katulad din ng mga tribo sa isla ng Riyuku ng Hapon.

Ang wikang Ivatan ay katangi-tangi dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas nito.   May mga similaridad naman ang Ivatan sa ibang mga wika sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag. Sinasabi ng mga nagmamarunong na iisa daw ang pinanggalingan  ng wikang yami at ivatan.

Dahil sa binubuo ang Batanes ng maraming isla, hindi masyadong nagkakaintindihan ang mga tao roon.

Sa mismong isla pa lang ng Batan, may dalawang wikang Ivatan ang natagpuan, ang Ivasayen na ginagamit sa kapitolyo Basco at ang ikalawa ay ang Isamurungen na ginagamit sa mga munisipalidad ng Mahatao, Ivana, Uyugan at Sabtang.

Hindi masyadong magkaiba ang dalawa ngunit ang nakikitang pagkakaiba nila ay may kinalaman sa pagbigkas.

Iba ring wika ang ginagamit sa isla ng Itbayat. Ang isang taga-Batan o Sabtang na makapunta sa Itbayat sa unang pagkakataon ay hindi kaagad makakaunawa ng wika nila roon.

Sinasabi nga na iba ang Itbayaten dahil hindi na halos maintindihan ang kanilang salita. Ang huling wika ay Ivatan ay sa Babuyan Islands

Nahahati ang lalawigan ng Batanes sa 6 na bayan. Ang Batanes ay mayroon lamang isang distritong pangkinatawan:  basco, itbayat, ivana, mahataw, sabtang at uyugan.

Ang tatlong malalaking isla ay ang Itbaya, Batan at Sabtang. Ang nasa pinakadulong hilaga naman ay ang Isla_ng_Mavudis.  

Kamangha-mangha ang mga burol ng Basco. Ang klima dito ay halos pareho ng sa Taiwan dahil halos magkadikit sila.

Ang probinsya ay kadalasang winawalis ng malakas na hangin at ulan na syang nagbibigay ng maling paniniwalang ang Batanes ay palaging ginugupo ng mga bagyo.

Kung bakit ang Batanes ay laging naiiugnay sa sama ng panahon, ito ay dahil sa ang kabisera nitong basco ay ang huling himpilan ng panahon sa hilaga. Ito rin ang lugar na pinagbabatayan ng lahat ng bagyo na pumapasok sa nasasakupan ng Pilipinas.

Ang mainam na panahon ng pagpunta dito ay tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo. Minsan, ang panahon ay nag uumpisang maging maganda pinakamaaga na ang Pebrero hanggang sa pinakahuli ang Hulyo.

Hanging galing hilaga o timog ang nagdadala ng malamig na hangin. Ang tag-lamig, ay ang malamig na panahon na nararanasan ng Ivatan kaya tinatawag nila itong tag-lamig (winter) ay nararanasan tuwing Disyembre hanggang Pebrero.

Kung pupunta ng Batanes, lagi lang tandaan na sa mga islang ito ay madaling magbago ang panahon.

Ang Batanes ay 680 km ang layo sa Maynila at 280 km sa bayan ng Aparri. Sa hilaga nito, naroon ang kanal ng Bashi, sa timog naman ay ang kanal ng Balintang.

Sa kanluran ay ang kanlurang karagatan ng buong luzon na malapit sa Timog Tsina at sa silangan ay ang silangang karagatan ng katagalugan sa buong Pasipiko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s