85th blbg … hinulugang taktak … parasapinga …

naglahong kariktan ng hinulugang taktak …
ano ang dahilan?nasaan na ang mga pulitikong mapagmahal daw
sa mayamang kalikasan?

sino ba talaga ang mahal ninyo, ang mga mayayamang mapagkamkam o
ang mga timawang mamamayan?

malulunod din kayo sa mga tinunaw na gintong alaala ng lumipas at
nagdaan, matutunaw din kayo!

mapapagod din ang mga paang pagal sa paglalakad

sa mga daang hari ng kaharing mabunga …

patungo sa hinulugang taktak ng inyong mga banyagang utak
na nag-uutos sa inyong mga bungangang namamapak ng tamis,

alat at anghang ng mga bunga ng lupang payatas …

sa kahabaan ng ortigas hanggang makarating sa hinulugang taktak
habang humahalakhak sa tuwa ang mga banyagang bumasbas
sa inyong walang habas na pag-utas sa diwa ng mga tagalog na katutubo …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s