150th blog … sa bagoong ng mga utistik na pinga … parasapinga!

bagoong … pampalasa o panimplang ginagamit ng mga taga-ilog sa kanilang mga kinakain.  

maliliit na isdang tulad ng dilis na nilinis at binuburo sa asin sa tagal ng panahong mula ilang linggo hanggang ilang buwan sa mga banga’t tapayan.

Ang bagoong ay katutubo sa pulo ng ginto na hindi nagawang nakawin ng mga banyagang dayuhan at ipamarali sa mundo na ito ay sa kanila nagmula.

Ang bagoong ay karaniwang kulay ng malagnaw na kape ngunit maaari din naman itong lahukan ng ibang kulay. ang linamnam ng bagoong ay nakasalalay sa pagkasariwa ng isda o hipon.

Pagkatapos iburo ang maliliit na isda sa asin sa loob ng panahong itinakda ay magiging bagoong na ito na mayroong manipis na katas-tubig na makikita sa ibabaw.  Patis naman ang tawag sa katas ng bagoong.

Ang patis ay ginagamit ring sangkap na pampalasa sa pagkain. Magkahalintulad ang lasa at amoy ng patis at bagoong na iisa ang gamit sa pagluluto na mabibiling nakalagay sa mga banga o tapayan.  

May mga bagoong na  malabnaw ang pagkakanaw at mayroon din namang uri ng bagoong na ang lahok ay mga butil ng binurong isda kasama ng sabaw nito.

Ang bagoong ay panghalili sa asin bilang pampatingkad sa lasa ng pagkain.   Mayroon ding mga putahe na kung saan ay kasama ang bagoong bilang pangunahing sangkap lalo na sa pinakbet, inabraw at kinilat.

Sawsawan din ang bagoong ng hilaw, maging ng hinog na mangga at singkamas. Kilala ang Pangasinan at Balayan, Batangas na mahusay sa paggawa ng masarap na bagoong.

Bukod sa isda, may uri din ng bagoong na gawa sa binurong hipon at tinatawag itong bagoong alamang na iginisa sa bawang at sibuyas. Magkakaiba ang itsura, kulay at lasa ng alamang depende sa uri nito.

Minsan ay mayroong mapusyaw na pula at maalat at mayroon ring kulay lupa na matamis. Kilala ang alamang na ginagamit bilang kapareha ng kare-kare.

Ginagamit din ito sa pagluluto ng binagoongan.  

Isa sa mga kilalang lugar na gumagawa ng bagoong ay ang Balayan na lagusan ng ilog pansipit mula lawa ng taal sa Batanga.

Naging popular na rin sa buong Pilipinas at maging sa iba’t ibang parte ng mundo ang Bagoong Balayan na bunga ng pag-aasawahan ng dalawang lawa.

Mayroong ding uri ng bagoong na ang gamit ay isdang dilis at bagoong na ginagamitan ng galunggong.

Nagsisimula ang pagburo ng mga isda para gawing bagoong sa mga buwan ng Marso, Abril o Mayo, kung kailan maraming dilis, galunggong at inglis.

Isa pang lugar na kilala sa paggawa ng bagoong ay ang Pangasinan. Nagsimula ang paggawa ng bagoong sa lugar dahil sa dami ng isdang nahuhuli sa mga karagatang nakapalibot dito.

Ibinuro sa asin ng ating mga ninuno ang mga isdang hindi nailuto at nagamit. Itinuturing na iba sa panlasa ang bagoong mula sa Pangasinan dahil sa kanilang pamamaraan ng pagburo.

Gawa ang Bagoong Pangasinan sa isdang dilis, galunggong, caballas, terong at padas.

Kakaiba ang amoy ng bagoong pero puwede na ring langhap-langhapin kung hindi maselan ang ilong.
Ang amoy nito ay karanggo ng itlog na abnoy at halimuyak ng duryan na nakakagigil sa sarap …

kaya nga ang sabe, utistik talaga ang pinoy na penoy na sina enares, roksas at akino dahil amoy bagoong daw sila … heheheh!

Advertisements

One thought on “150th blog … sa bagoong ng mga utistik na pinga … parasapinga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s