156th blog … araling panlipunan sa katagalugan

ANG UNANG KASAYSAYANG PANLIPUNAN SA PULO NG GINTO O LUZON BAGO PA DUMATING ANG KOLONISASYON

… tatlo lamang mga taal na katayuan sa lipunan at likas na kabihasnan ng mga katutubo sa katagalugan noong mga panahong hindi pa nakararating ang mga taga yuropa  sa malayong silangan …

lalo na sa lusong o pulo ng ginto na pinamamahayanan ng isang maginoong kaharian:

MAGINOO, MANDIRIGMA at TIMAWA” ang tawag sa mamamayan ng mga katutubo …
wala pa sa dila, baybayin at kaisipan ng mga taga-ilog ang salita’t katauhan
ang ALIPIN at MAHARLIKA ng taga-timog at kanlurang mga bansa.

dumating pa ang ilang mga siglo at nagkaroon ng pakikipag-ugnayan ang mga banyagang dayuhan sa PULO NG GINTO” na isang lupaing MALAYA, at noon lamang nila naunawaan at nalaman

na ang mga taga-ilog ay may sarili at katutubong kalinangan at pananalita na higit ang lalim dahil meron silang titik na nga sa kanilang baybaying salita .

mga banyagang bisaya, muslim, hindu, intsik at mga taga yuropa na itinuring na mga “DAYUHAN” sa isip at hinuha ang nagdagdag ng salitang alipin at maharlika sa kalinangan ng katagalugan.

MAGINOO

katutubong taga-ilog na may paninidigan sa tunay na kasarinlan at kalayaan noong mga unang panahon sa ilalim ng isang kaharian at pamayanan ng kahariang mabunga na ngayon ay kilalang-kilala

bilang kalakhang maynila,  cavite, laguna, rizal, bulacan, tarlac, pampanga, nueva ecija, zambales, bataan at mga antigong lalawigan ng kalilaya, kumintang at kabikulan hanggang sa tilam-asin at kailokohang tumitingala’t sumasamba sa isang amang bundok …

noong litaw pa sa mukha ng mundo ang mga tulay na bundok na daanan o taytay ng mga katutubo sa paligid sa lawang maynila …

noong hindi pa natutunaw ang mga niyebe sa kabundukan sa mga dulong timog at hilaga ng mundong ibabaw … noong nakikita pa ang mga tulay na lupa sa mga karagatang malalawak …

ang angkan at lahi ng pinga na tunay na iginagalang na mga maginoo noong panahon ng mga timawa o katutubong malaya sa tulong ng mga mandirigmang tagalog …

na nagbunsod ng kapatirang likas ng lahat ng tao sa pagdakila sa anito ng maginoo na naging sandigan ng kaisipang MAGDIWANG na sa dakong huli ay pilit na pinagyaman ng kapatirang KATIPUNAN …

mga maginoong tagalog ay may angking dunong sa pamamahala ng mga bayan at lalawigan na alam nila na sakop ng kanilang kahariang pinagpala ng dakilang lumalang na poong maykapal …

ang lalawigang mabunga na pamayanan ng mga gat at dayang na iginagalang ng mga mandirigma at timawa sa kalagayang dinatnan ng mga taga-katimuran, kanluran at hilaga sa tulong ng mga morong muslim at bisaya, hindu at mga intsik na may sariling hangaring makubkob at magapi ang pulo ng ginto ng silangan …

MANDIRIGMA

mga mamamayan ng lalawigang kalilaya na itinakda upang maging tagapamayapa at tagatangkilik ng kaayusan sa taal na lipunang tagalog …

kinandili sila sa masikhay na paghahanda at pagsasanay sa angkop na pagtatanggol sa sarili at pamayanan sa pamamagitan ng katutubong galaw na KALI, at mga lihim ng lamba ng niyog at pulot ng bubuyog …

mga katutubong pinili dahil sa angking tayog ng talino, lakas ng pangangatawan at ganda ng ugali upang sanayin ng panahon sa isang maliit na pulo sa dakong silangan …

lahat ng kanilang nalalaman sa suntukan, bakbakan, sikaran, sipaan, maging sa panlalait, murahan o paninira ng karangalan ng mga nilalang ay pinagsama-sama bilang mga arali’t kaalaman sa angkop na paghahanda at paglilok ng kanilang pagkatao.

ang kahulugan ng mandirigma ay binago ng mga dayuhan, ng mga taong gumagawa ng gulo, na naging hadlang sa mga pansariling hangarin ng mga dayuhan para maghari-harian sa tinubuang lupa ng mga malaya.

batid ng mga katutubong tagalog ang mga lihim ng mundo tulad ng angkor wat ng dakong timog ng pulo ng ginto na kinamkam ng mga banyagang dayuhan mula sa kanluran upang gawing batayan ng kanilang paniwala sa gumawa ng mundo …

ang maharlika naman ay isang salitang katawagan mula sa ibang lugar ng daigdig ng mga madyapahit, bidyaya’t hindu na nagmula gitnang silangan na nandayuhan dito sa pulo ng ginto maraming daang taon na ang nakaraan ..

mga manlalakbay kasama ang kanilang mga oripun na tuluyang nanirahan sa luzon, taglay ng mga maharlika ang karangyaan sa pamumuhay na halos maitutulad o kawangki ng mga maginoong tagalog …

napagkamalan ng mga mangmang sa kalinangan na ang maharlika at oripun ay katutubo sa luson kahit na nag-ugat sila sa lupain ng mga hindu at mga kahariang muslim sa gitnang silangan na nagtangkang magtatag ng sariling kaharian sa pulo ng mga tagalog sa pamamagitan ng kanilang mga datu, raha, sultan at lakan  …

ang mga maharlikang tinuran ay hinayaang manirahan sa mga bambang ng ilog pasig at mga gilid ng lawa ng maynila sa pahintulot ng mga gat at dayang sa ilalim ng utos ng maginoong angkan ..

at ang mga dayuhang tinuran ay hinayaan na lamang sa kanilang hangaring mamuhay ng payapa at tiwasay bilang paggalang sa kanilang karapatan at angking katauhan …

ang mga mandirigma at timawa ang tunay na katutubo ng katagalugan noong unang panahon sa ilalim ng taal na pangangasiwa ng kanilang mga maginoo …

TIMAWA

timawa ang pinakamalayang tao sa pulo ng ginto, noong hindi pa nakararating ang mga dayuhang banyaga sa kahariang malaya ng mga tagalog …

taglay ng kanilang karapatan ang mangalakal at makipagsapalaran sa anumang antas ng buhay, subalit wala sa kanilang karapatan ang mamuno ng mga kabayanan …

ibinibigay nila ang sarili sa mga namumunong gat at dayang sa ilalim ng basbas ng maginoo, matatapat sila sa paglilingkod sa anito at dakilang lumalang  …

ang mga mandirigmang tagalog sa panahon ng pakikihamok ang mga sumasansala sa mga dayuhang manliligalig … sila ang mga nagsasaka, nangingisda at nagbubungkal ng lupa na larangan ng pangkabuhayan ng madla, at laging nakahanda sa anumang panahon ng digma …

ang sagigilid ay hindi mga alipin, sila ay mga kaagapay, kasama, kabalikat at katulong ng mga nakaririwasang mamamayan, at naninirahan sila sa paligid ng mga looban o malapit sa mga tahanan ng maginoo

ang mga namamahay naman ay ang mga dukhang walang matirahan dahil sa kawalan kaya mismong sa loob ng bahay ng mga maginoo sila kinakandili at namamahay na tumutulong bilang kaagapay sa pamumuhay tulad ng mga sagigilid …

ang mga alipin ang mababang antas ng mga timawang hindi katutubo ng katagalugan; nakita ng mga banyagang mula sa malayong kanluran ang mga bisayang muslim na umaalipin sa mga katutubong bisaya, na kalauna’y lumikas sa paligid ng lawa ng maynila na taglay ang mga oripung bug-os bilang mga utusan …

ang mga oripun na pinatingkad sa antas na bug-os o “lubos na alipin” na lumaganap lamang ng dumating ang mga taga yuropa sa pulo ng ginto.

sinamantala ng mga kastila ang mga oripung bisaya na tinatas nilang alipin at ginawa nilang pangsagupa kasama ang hindu’t intsik sa kaharian ng mga tagalog …

nadatnan nila sa paligid ng lawa ang mga maharlikang kadugo’t kababayan nila na may sariling mga utusan at tagasunod …

subalit hindi nila napagtanto na ang mga timawang tinuran ay mga panauhin lamang na pinayagang manirahan sa paligid at baybayin ng lawang maynilad sa pulo ng ginto.

Advertisements

One thought on “156th blog … araling panlipunan sa katagalugan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s