189th blog … koronang makabuhay ni poong nasareno ng pinga, conspiracy ba?

coconut oil, organic fruit and vegetable; homeopathy; cannabis; eugenics; chemtrails …
all these are pseudoscience? or conspiracy? anoba ang mga ito totoo? hahahah?

isama na natin ang makabuhay na ipinuputong sa ulo na parang koronang tinik ng isang taong naghihingalo,sa kabubuhat ng mabigat na kahoy sa kanyang balikat, conspiracy din ba?

lamba ng niyog na kinatas hindi ng apoy, bungang-kahoy at gulay na napitas na walang halong patabang galing sa malayong kanluran; pulut-pukyutan at mga halamang-gamot na gamit ng mga albularyong katutubo; damo nina marya at huwana, at kung anu-ano pa;

pagkakapon o panglaglag ng mga binhi; buga ng usok sa kalawakan na pamugto ng buhay … ang mga ito ba ay mga kababalaghan sa agham ng mga taong paham o kathang-isip lamang ng mga nilalang na naglulubid ng buhangin?

araykupu, shanawa! …

ang imahe ni hesus na poong nazareno ay nililok ng isang eskultor sa meksico o mehiko, matapos nilang mapagmasdan ang pagsasama-sama ng mga katutubong tagalog sa gusaling sambahan …

isinama sa kalakalang galyon ng acapulco at maynila ng mga prayleng kastila noong 1606 ang imahe na kasamang natupok  sa apoy ng nagkasunog sa barko, pero naitabi ng mga pari at dinala sa bagumbayan …

ang umitim na obra ay inilagak sa isang simbahan sa bayang naging luneta na ngayon naman ay ipinangalan kay pepeng na isang kabataang pag-asa daw ng bayan … kanya-kanyang istorya dahil pinatay nila ang magdiwang ng katipunan …

pagkalipas ng labinglimang taon o noong 1787ay  inilipat, iniluklok at ipinalit sa orihinal na ulo ng rebultong anito ng mga katutubo, na sinamba naman sa kuyapo na ngayon ang tawag ay simbahan ng quiapo …

na pinagpipistahan naman ng mga deboto dahil daw sa mga milagro, gaya ng pagkakapanalo ni noli de castro na naging bisyo ng presidente dahil siya ay isang ring deboto …

totoo talaga ang rebultong itim ng mga katutubo, na anito ng kanilang mga ninuno na pinapipistahan ng mga taga-ilog taun-taon, at ito ang nakita ng mga kastila noon …

wala na raw ang tatlong daliri ng orihinal na rebulto, kaya malamang na ginawan ng bagong katawan ng isang katutubo ng maynila na pinagkabitan ng bagong ulo ni kristo,  kaya naman dalawa raw talaga ang rebulto …

iyong isa na nagkaroon daw ng bagong ulo na ikinabit naman sa lumang katawan, pero ang sabi nila ay huwag naman daw sasamba sa mga rebulto at sinumang sumuway ay mga pagano at hindi kristiyano …

at heto pa, ang kanta para sa rebulto ng poong nazareno ay likha ni si lucio san pedro na isang katutubo sa pulo ng ginto, na pambansang yaman sa sining ng mga mamamayang tinawag nilang pilipino …

na nakadaum-palad ko noon sa isang maliit na kuwarto sa lumang sagad ng pasig, umuupa siya dito ng solo na itsinismis sakin ng titser na kapitbahay na siya si lucio san pedro,

ewan ko kung ano na ang nangyari sa kanya dahil hindi nako nakabalik sa lugar niya; ang natandaan ko lang ay tinanong niya kung ano ang pangalan ko na ikinapamulagat ng kanyang mga mata na parang nakakita ng anito,  ng malaman niyang pinga …

but, there is no consensus on the origin of the name nazareth; one says that the name is derivative of ‘branch’ or ne·ṣer from hebrew, but the word definitely came from the roman or castillan priests …

a fruit-bearing branch (netzer) of a tree, or could been derived from the verb na·ṣar, “watch, guard, keep,” that could be understood either in the sense of “watchtower” or “guard place”, implying a place that is perched on or near the brow of the hill,

or, in the passive sense as ‘preserved, protected’ in reference to its secluded position, and it could be nazareth in galilee or in israel …

linguistic discrepancies cannot be explained even by the peculiar palestinian aramaic dialect, even by languages in brazil and any places in the world …

basta ang alam ko, dito sa maynila, maraming tao na ang balat ay sunog sa araw at kayumangging-kaligatan na naging anito bago pa man dumating si nasarenong sakay ng barko ….

shanawa, shawarma, harinawa amen!

One thought on “189th blog … koronang makabuhay ni poong nasareno ng pinga, conspiracy ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s