206th blog … ang payatas nina haring nga at dayang pi

… sabi ni haring nga noong una pa …

wag nyo kaming pangunahan, wag kayong manguna mga ilokano’t kumintang … pag tama na ang bigkas ng inyong mga dila sa aking pangalan, saka lang ninyo malalaman ang linamnam ng ngangang galing sa bunga ng bayang mabunga …

… ANG LUPANG PAYATAS AY BANAL NA PANGAKO!!!

hindi matapus-tapos ang patuloy pa ring kasagsagan ng pangangamkam sa mga lupain ng mga katutubong tagalog.

ang mga ari-ariang lupa ng maginoong angkan ng magkakapatid na Enrique, Mathias, Magdalena at Juan ng maginoong pinga ay naipagkaloob na ng tuluyan sa mga mamamayang tagalog lalo na sa mga timawa,

sa pamamagitan ng isang kasunduang patungkol sa mga LUPANG PAYATAS na katutubong pag-aari ng kanilang ng kanilang mga maginoong ninuno, na pinagtibay sa mga titulong torrens ng magdalong gobyerno.

ang resulta nito ay ang pag-angkin ng gobyerno sa mga lupaing hindi nairehistro ng mga maginoo, at unang ibinilang na lupang pare ng simbahang romano na umagaw sa mga katutubong sambahan ng mamamayang tagalog sa loob ng mga tatlong daang taon.

ito ang mga lupaing taniman na hindi pinagkaabalahang irehistro ng mga magdiwang sa bagong tatag na gobyerno, na ang kalakhan o karamihan ay naibenta na ng gobyernong kastila sa mga tusong mamamayan

na nagkamal ng yaman sa galyong maynila at akapulco sa pamamagitan ng mga titulo torens na binili sa gobyernong kutsabahan ng mga haluang-dugong mamamayan.

at dito nga nag-umpisa ang usaping agraryo sa halimbawa ng asyenda luisita, asyenda de mandaluyong, asyenda de santa ana, ang lumilitaw ngayong asyenda de ortigas at iba pang tanimang lupain na ginawang mga villages ng mga mestisong mamamayang tulad nina ortigas, ayala, zobel, roxas, cojuangco, aquino sa pamumuno ng magdalong presidente ng si quezon.

nahati-hati ang lupain ng katagalugan hanggang sa tarlac na kinatagpuan ng mga asyendang binuo ng mga kastila na itinuloy ng mga amerikano gaya ng tabacalera na ginawang hacienda luisita, gaya din ng tinang, lawang at murcia, para sa mga intsik na cojuangco-aquino na kumampi sa kanilang gobyerno laban sa mga katutubo ng luzon,

kasunod nito ang pamamayagpag ng bagong pamamalakad na pakana naman ng mga pinaghalong intsik, kastila’t amerikano, na sinundan naman ng pagsakop ng mga hapon sa tulong ng kalibapi ng mga aquino sa maikling panahon na naging sanhi ng lalong paggulo ng buhay sa katagalugan.

ang mga asenderong intsik na nagkaroon ng puwang sa pamamahala ng gobyernong itinatag ng magdalo ni aguinaldo at quezon ay naging magkakasamang namumuno sa malawakang pagwasak ng pagkakakilanlan ng tunay na mga katutubong taga-ilog.

napakatagal at masalimuot ang usapin tungkol sa usaping agraryo na pinagbuhul-buhol at nabilibid ng iba-ibang partido sa pulitika na naging dahilan upang lalong umigting ang mga paghihimagsik laban sa mga mangangamkam na asyendang inangkin naman ng mga angkan ng haluang dugo.

sa panahon naman ng mestisong intsik na si quezon na sumunod kay aguinaldo,  ay napagtibay ang isang huwad na kasarinlang binalot ng kasakiman ng pamahalaan at simbahan sa mga lupaing katutubo.

ipinagpatuloy ang pagtatakda sa maynila bilang kapital o sentro ng mga kapuluang binansagan din nila na yslas de Lazarus na naging felipinas sa dakong huli, na dapat ay sa mga pulo ng bisayas nila ipinangalan batay sa itinala nila sa kasaysayan.

inalis na ng tuluyan ang “lupang payatas” sa lupaing malaya na sa dakong huli ay naging lupain ng mga aliping nangangamuhan sa mga banyagang mayayaman.

naging simula ito ng paglalaho ng isang adhikaing kalayaan ng magdiwang para sa katagalugan na iginupo at pinagsamantalahan ng mga mestisong ilustrado sa pangalan ng magdalong palalo.

kabilang ang magdalena estate na sumasakop sa mga daanang tinahak ni haring nga at dayang pi, mga lupaing tinatahak ng imbakan ng tubig ng lamesa, ayala, la vista, UP, ateneo, valle verde at mga mayayamang villages na kahanay ng bitak ni marquina na sinakopp ng mga siyudad ni quezon, ng pasig, maging ng taguig at makati.

ang mga daang hari ay mga lupang daanan sa katagalugan na tumatahak sa mga kalupaan ng kahariang mabunga, mula sa sa dakong mulanay ng probinsiya ng quezon ngayon, pabaybay sa gilid ng lawang babaye patungo sa mga talampas sa dako ng san mateo para marating ang kabilang dako ng amang bundok sa baybayin ng malaking dagat sa silangan.

daang hari din ang kahabaan ng daang tinawag namang commonwealth na tumutungo sa lalawigang bulakan hanggang sa pook ng mabunga sa nueva ecija, at iba pang mga daang hari na na lumiligid sa lawang maynila mula pasig at kawit na paikot hanggang sa maribeles at dinalupihan pabalik sa lumang tundo noon upang umuwi sa bayan ng pasig, noong hindi pa lumulubog ang mga tulay na bundok.

mga daang hari din ang tinahak nina haring nga at dayang pi upang maabot ang mga sulok ng kanilang kaharian hanggang sa mabunga ng bayan ng mga huwan sa batangas at mabunga sa gapan na tinawag na nueva ecija ng mga banyagang mananakop.

daang hari din ang mga tinaluntong landas ng mga katutubong tagalog upang marating ang mga tuktok ng amang bundok, na ginawang babae upang gahasain ng simbahang romano at mga kastilang sundalo na hawak ang mga krus.

noon, ang maginoo ang itinuturing na diwang gabay ng mga mandirigmang tagalog na siyang nagtatag ng kahariang malaya na sumasakop sa maraming lipi at lupain sa timog-silangan ng daigdig.

dito sa pulo ng ginto sa lalawigang mabunga sila nagsimula ng katipunang batayan ng masagana at mapayapang pamumuhay ng kanilang nasasakupan, at ang mga lupain na tinaguriang lupang payatas ang naging sanayan ng wastong pagkakakilanlan ng mga taong sa kanila ay lubos na gumagalang.

ang mga malalawak na kapatagang lupa ng amang bundok sa magkabilang pampang ng ilog wawa ang palatandaan ng lupaing mabunga na ipinangako ng mga maginoong tagalog sa kanilang mga timawang lumaya na sa tanikala ng pagnanasang alipinin ng madyapahit at bidyayang moro at muslim.

ibinilang dito ang mga bukirin at ilang na kagubatang sakop ng mga ari-arian ng mga maginoo bilang katuparan ng kanilang pangako na tinawag nilang lupang payatas.

inilihim ng mga aklat ng kasaysayang tagalog ang testamento ng payatas na nilagdaan ng isang butihing babae na nagngangalang aling magdalena pinga bilang katunayan na ang mga lupaing nabanggit ay tunay na alay ng isang maginoong angkan sa mga mamayan lalung-lalo na sa katutubong taga-ilog na tinawag nilang mga timawa.

tinawag itong lupang payatas na mula dito ay naangkin ng dayuhang simbahan ang ilang mahahalagang lupa na tinagurian naman nilang lupang pare.

pagdating ng panahong sapilitan na ang pagrerehistro ng mga lupain bilang pagkakakilanlan ng tunay na may-ari sa ilalim ng pamahalaang amerikano at magdalo, at dito na nagsimula ang walang katapusang angkinan at kamkaman sa lupaing tagalog.

sinamantala ng mga nakaririwasang angkan ng mga mestiso ang pagrerehistro ng mga lupain sa kani-kanilang mga pangalan na pinahintulutan naman ng gobyerno lalo na kung ang mga ito ay nanumpa na ng katapatan sa romanong simbahan at magdalong pamahalaan.

dito nag-ugat ang paglilipat ng pangangasiwa ng mga masagang tanimang lupain ng mga maginoo sa mga hacienda na itinatag ng mga kastila sa kanilang mga encomienda sa tulong mga bisaya, mehikano at intsik na kanilang mga kasama.

hindi ito minarapat ng mga tunay na tagalog sapagkat para sa kanila ay hindi kailangan ang testamento ng rehistro ng mga kastila o amerikano.

sa ganang kanila, ang pagmamay-ari ng lupain ay likas sa nga katutubo at hindi dapat gambalain ang kanilang karapatan sa mga lupain.

lumipas pa ang mga panahon at inakala ng mga maginoo na matibay ang kanilang pagmamay-ari sa kanilang mga katutubong lupain, pero nagkamali sila.

dumating pa ang mga heswita at iba pang grupo ng mga reliyoso na nagbadya ng kanilang pagmamay-ari sa mga lupaing hindi nakarehistro.

sa pamamagitan ng pagtatatag ng obras pias patungkol sa mga hermanidad, confradia, hospicio at mga beaterios na ginawang sanglaan ng kayamang tagalog tulad ng monte de piedad para sa galyong maynila at acapulco, ay naipatupad nila ang kanilang mga tunay hangaring alipinin ang pulo ng ginto.

ipinangako nila sa pamamagitan ng mga matatamis na salita ang katuparan ng kalayaan at kaularang likas na pangarap ng mga katutubo, lalo na ng mga timawa, patungkol sa kawanggawa, damayan, o utang na loob na unang isinadiwa sa kanila ng mga maginoong tagalog.

dito nga nagsimula ang salitang lupang pari na nagmula sa lupang payatas ng mga maginoo para sa mga timawang mamamayan ng katagalugan na dapat ay tunay na malalaya.

mula noon, anumang lupain na hindi nakatala o walang rehistro ay ipinagpalagay na pag-aari ng gobyerno at simbahan, na ipinatupad naman ng estado.

ito ang mga pamantayang sinunod, ibinunsod at itinatak sa mga titulo torrens na magtatakda ng pagmamay-ari ng mga lupa na isinulong ng mga OBRAS PIAS tulad HERMANIDAD, CONFRADIA, HOSPICIO at BEATERIOS.

sila mismo ang nagsigawa ng mga titulo ng mga katutubong nagsanla ng mga ari-arian at lupain kahit ang mga ito ay kinamkam lamang o dinaan sa pandaraya para sa kanilang puhunan sa pangkalakalang galyen ng akapulco at maynila.

sa loob ng mahigit na tatlong daang taon, nakinabang din ang mga negosyanteng katutubo, pero higit ang mga may dugong intsik at kastila sa mga negosyong itinatag mismo simbahan at gobyerno, kasama na ang ilang mga angkang nagtataglay ng maginoong dugo.

ang mga bukirin o taniman na kilala ngayon sa mga bayan at siyudad ng kalakhang maynila bilang mga “subdivisions” o “villages” ay mga piping saksi ng isang maginoong katauhan ng isang tanging lahi na namuno sa katagalugan.

pilit na binuhay nina bonifacio, jacinto, ladislaw diwa, at mga maginoong sina gregorio, magdalena at monica sa ilalim ng magdiwang ng kataas-taasan, kagalang-galangang katipunan ng mga anak ng bayan, ang adhikaing katutubo ng mga tagalog, subalit hindi sila nagtagumpay.

Ang mga lupain ng mga maginoo na naging katuparan ng isang tunay na payatas na may kahulugang “banal na pangako” ay itinago ng mga pareng kastila sa obras pias at iba pang mga samahan.

marami sa mga ito ay malaon nang nakamkam ng gobyerno at simbahang katoliko sa ilalim ng pangakong ang lahat ng pakinabang sa mga lupain ng mga maginoo ay mapupunta sa mga naghihirap na mamamayan.

karamihan sa mga lugar na ito ay katatagpuan ng mga malalaki at malalawak ng pamantasan at puwesto ng pamahalaan, kasama na ang mga pamayanan ng mga mayayaman na kanilang inagaw sa mga taong tunay na pinag-ukulan nito.

ang kanilang mga pangako ay napako at tuluyang naglaho, naging makasarili at mapagkamkam ang gobyerno at simbahan at isinilid nilang lahat sa kanilang bulsa ang mga salapi’t kayamanang naging mga pansariling pakinabang.

dahilan dito ay isinilang ang isang sumpa, sumpang tatama sa mga taong mapag-imbot, sa mga pari at mga pulitikong baluktot ang puso.

itatarak ng poong maykapal na dakilang lumikha ang lupit ng sumpa sa dibdib ng mga may sala pagdating ng itinakdang araw at tamang panahon.

One thought on “206th blog … ang payatas nina haring nga at dayang pi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s