271st blog … bonanzang alamat ng isang kaharian ni elitang pinga!

so happy to have our kuya home!

so happy to have our kuya home! :)
Pinga Parasapinga's photo.
Pinga Parasapinga's photo.
G-boy Pinga and Joy Pinga- Quicho l
tita/ninang jill and tito melvin, thank you so much!
  • – diego, sophia and max
Pinga Parasapinga's photo.
Pinga Parasapinga's photo.
Pinga Parasapinga's photo.
 Pinga Parasapinga's photo.
Pinga Parasapinga's photo.

out of 14 linked sites of bingo bonanza last august 15, two winners from parasapinga won @smmega in game 3 – (6 co-winners of 100,000) and game 5 – block of nine (4 co-winners of 100,000); thanks to all participants, congratulations to joy na hindi nasolo ang premyo, at ni hindi nakarating sa kanya ang panalo, heheheh!!!

eto ang alamat ng kahariang mabunga, ayon kay jill at maginoong timawa, nov. 7 ….

noong unang panahon, sa isang napakalawak na lupain sa gitnang hilaga ng pulo ng ginto; ang matatanaw ay ang kapatagang lupa at sa dakong silangan naman ay bakod na mga bundok, wala ng iba liban na lamang sa mga talampas, ilog, batis at sapang katatagpuan ng mga pulbos ng ginto makikinang na bato …..

meron pa nga pala, ang mga daanan ng hari na angat sa lupang bahagi ng kapatagan na dinadaanan ng mga maginoo kasama ang kanilang mga mandirigmang taga-ilog …

isang hatinggabing ubod dilim at nanunuot ang lamig, napadaan si Dayang Pi sa lupaing ito, isang nilalang na poon ang lumikha na tinawag nilang maykapal at lumalang …

habang lulan ng karetang hila ng kalabaw ay nabutas ang mga sako ng abaka may lamang mga binhi; malayo na ang kanyang nalalakbay ng mabutas naman ang lalagyang buslo ng mga hinimay na balat ng kawayan na ang laman ay marami pang ibang uri ng halaman at gulay na dahan-dahang lumagpak sa lupang kanyang dinaraanan…

dumaan ang maraming tag-araw at tag-ulan, at dumating ang panahon ng magkasing ng magpantay ang araw at gabi, at ng bumuhos na naman ang malakas na ulang dulot ng masidhing unos, kidlat at kulog,  bumaha ang ilog wawa at sumikat naman ang araw at nakita sa kalupaan ang iba’t ibang uri puno at halaman na hitik na hitik sa bunga …

na siyang naging simula ng alamat ng lalawigang Mabunga na isang kaharian ng mga taga-ilog sa malawak na lupaing mayabong sa lahat ng uri ng mga punong kahoy at pananim na nagbunga ng mga pagkain at mga halamang-gamot para sa mga mamamayang katutubo sa pulo ng ginto …

si haring NGA naman ay isa rin sa mga unang tao sa lupaing Mabunga …

ang pangalan niya ay hango rin sa baybayang tagalog o alpabeto ng pulo at mga lupain ng mga katutubong taga-ilog, matikas na maginoo, isa ring mandirigma na tuluyang nakaniig ni dayang PI at naging magkalaguyo silang dalawa …

kapwa sila katutubo ng katagalugan at silang dalawa ay nagkaibigan, nag-isang puso’t dibdib bilang mag-asawa, at nagsimula ng kanilang lahing tinawag na PINGA, na datna’t panawan ng panahon …

iba sila kina malakas at maganda na mula naman daw sa buho ng kawayan na inimbento ng isang ilokanong yumao na, ang heto pa ang dugtong ng alamat …

noong mga panahong nakalipas at natabunan na, bata pa si sabel, wala pang bata batuta, walang wala pa sina noel at joel, joy at jil na mga elita; wala pa sina jiro, diego raem, sachi, joshua inigo, issey, sophia alaya, maxene alaya, julia elita, sebastian kai at aliya isabella…..

ang tagal na ng panahong yaon na hindi naisulat sa mga libro kasi binago ng mga dayuhang romano at simbahang katoliko ang panulat ng mga taga ilog, pati na ang paniniwala sa mga anito ng kanilang mga ninuno na pinalitan ng mga rebulto ng mga santo at santa ng malalayong dako …

hindi pa kilala ng mga sinaunang mamayan ang phonology, morphology, etymology, syntax o semantics ng mga salitang banyaga dahil ang alam lang nila ay ang kabi sa wikang baybay noong kilalang kilala pa ng mga malilikot ang diwa ang mu, lemuria, shambala, sanfotsi, zabag at kung anu-ano pang pamalit nila sa pinga na isinulat nilang pigna sa malalayong pulo ng yuropa …

wala pa rin ni anino nina khan, alkander, pati na sina kristo, budha, mahoma at kasisilang pa lang ang mga hari ng hindu ng intsik, at malayo pa sa hinagap ng alaala ang mga inca, aztec at maya …

namamayagpag pa ang mga maginoong tagalog na PINGA sa mga lumang lalawigan ng kabikulan, talim-asin, iloko, kumintang at kalilaya, na mula sa bantog na kahariang mabunga at ng lumaon ay tinawag nilang MALAYA, pero itinatago naman ngayon sa bagong pangalang metro manila na tinakpan ng mga bagong siyudad at probinsyang gawa ng mga mangangamkam ng lupa … .

palagay mo totoo ito kagaya ng sulat sa papel na tanso?

noong naglalayag pa sa mga karagatan at nakarating ang mga mandirigmang tagalog  sa maliit na pulo ng PIMUNGA na tawag ngayon ay catalina ng amerika, hanggang sa HAWAY, GUWAM at NAURU ng kahariang  mabungang pinagpala …

at sa iba pang mga pulo sa gitna ng malawak na karagatan sa malayong silangan, sa palaw, waab, ulithi, agana, maug, anatan, sarigan, guguan, alamagan at faraelon …

maging sa kanluran at mga dakong nilulubugan ng araw noong kilala pa ng mga malalaya kung sino ang mga hanunuo o tagbanwa sa mga dumagat, mangyan at ita …

tanong ko lang, talos pa kaya nila ang kahulugan ng maginoo bilang mabunying ginoo, na iba sa tawag nilang “ginoo” sa mga katutubong mandirigma at timawang taga-ilog? ….

meron pa …

sa alamat ng mabunga, may lumitaw na sulat sa papel na tanso na nakuha raw ng isang maninisid ng buhangin sa ilog lumbang, pinasisikat ngayon nina postma, santos, morrow …

at sumama pa ang sumulat ng thesis na si tiongson na kumokontra sa naunang tatlo, na ang binwangan, puliran o pailah at iba pang mga lugar na tagalog ay doon daw talaga makikita sa pila, laguna, hindi sa bulakan, kaya nakalilito hindi ba?

ang sabi nila, sulat daw ito tungkol sa pagbabayad ng utang ng isang pamilya, pero dinugtungan naman ng isa, na ito raw ay ukol sa pag-iisang dibdib ng dalawang katutubo ….

marami pang lilitaw na pantas at marurunong daw na magsasabing hindi totoo ang mga isinulat o sinaliksik ng apat na nagbuhos ng oras para lamang mawatasan kung ano baga ang mga nakatatak sa LCI ng nakuha ng maninisid ng buhangin sa wawang ilog ng laguna …..

ang transliteration ng national museum at ni postma kasi ay hindi siguradong tama, pati ang pagsasalin nila sa tinagurian nilang kabi, sanskrit, javanese, old tagalog o old malay …..

pero ang tagalog ng mga malaya noong unang panahon hindi nila papansinin, ang tunay na dila ng taga-ilog ay babalewalain, kase ang salitang malaya naikapit na nila sa malaysia  na talaga namang bagong salita, bagong imbento, mas una pa ang felipinas at lazarus na mga pulo sa bisaya, kasi nga, pag dayuhan ang nag-isip o nag-imbento sila ang tama, walang kokontra…..

kaya ang mga natutuhan nating lahat tungkol sa kasaysayan ay puro alamat, kaya palaging namamamalat sa walang katapusang baluktot na tagalog …

ang alam lang ng nagmamarunong ay ang mga salita o wika ng mga indo-aryan, dravidian, sumerian, austric, akkadian o armenian, kaya lahat tayo nagkaganito at nagkaganyan ….

ngayon ko nga lang nalaman na merong palang seeds of speech na gawa ni aitchison ng cambridge na hindi ko naman alam kung pano niya ginawa at kung ito ay tama …..

at eto pa,  mas gusto ko pang basahin ang mga pangalan nina dayang kalangitan na asawa ni gat lontok, dayang panginoon na asawa ni gat balagtas, dayang lahat na asawa ni gat timog, sina gat salila at gat kahiya, kasi medyo malapit sa totoo at tunay na kasaysayan ng lahing tagalog, lalong higit ang alamat ng mabunga at ng mga maginoong pinga ….

sino kaya sa kanila ang tama? ang kabi kaya na naangkin ng java o ang dilang tagalog ng mga taga-ilog, kasi ikinapit na nila na ang kabi sa java at ang sanskrit sa india, hindi sa KABIBE ng mga tagalog na tahanang taguan ng mga katutubong PERLAS na pinag-ugatan ng salitang pera …

walang patumanggang sinisira ng mga dispalinghadong dila ang salitang tagalog kaya hindi ko masasagot ang tanong ng isang bagong gerero kung ano talaga ang nakasulat sa papel na tanso, dahil abala pa ako na malaman talaga kung ano ang nauna sa itlog at manok.

o, baka ang LCI na tinuran ay talagang kasulatan ng kasalang nagagaganap noong panahong iyon na laganap pa ang kasanayan tungkol sa dote na isang kaugaliang katutubo sa lahat ng panig ng mundo, ang kasalan nina haring nga at dayang pi?

ano kaya kung ilabas ko ng tuluyan ang isang papel na ginto? ano kaya?

isa pa, eto … sinagot ni ms. ebora ang email ko na kung puwedeng libre na lang ang senior citizens sa pag attend sa first international conference ng mga mga alamat sa cultural center, sponsored ng U.P. college of arts and sciences …

kaso tinanggihan niya dahil mga teacher at estudyante ang kanilang priority, 200 lang daw ang capacity, kahit na sinabi kong hindi ko kayang magbayad ng discounted price na 1 thousand pesos kasi mas kailangan ko ito pambili ng gamot at pagkain, kasi naman, tinanong ko pa kung ang middle initial niyang P ay Pinga …..

sayang, ang guest speaker nila ay doctor from harvard; sana, malaman ko ang mga resulta ng conference para pandagdag sa mga alam ko na …

tinanong ko na si ebora kung may website akong mapapasok para isang pindot lang alam ko na ang mga laman ng mga papers na nasubmit sa conference pero wala pa siyang sagot hanggang sa ngayon.

hindi bale na lang, hintayin ko na lang ang paglabas ng “sulat sa papel na ginto” sa ilog wawa ng kahariang mabunga, para mapagtibay ko ng husto ang ang mga naisulat ko na, tungkol sa pulo ng ginto ng mga taga-ilog na maginoo …

kanya-kanya lamang ang paggawa ng mga alamat kaya pasensiya ang mga taong iba ang paniniwala, pero ako, naniniwala sa Pinga ng sundaland o pangeae (hango bato sa pinga?) na sabi ng marami eh supercontinent daw ng mu o lemuria…

at meron pa, gusto ninyo ba ng alamat ng pinga sa sundaland at maharloka? saka na lang, saka na, para hindi kayo maloka … sa alamat na ginawa ng isang elita!!!.

September 26, 2012 near Glendale, CA, United States

One thought on “271st blog … bonanzang alamat ng isang kaharian ni elitang pinga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s