272nd blog … titser kaba?

… ako’y pagano na kakain ng kamelyo, daga, kuneho; baboy, isdang walang palikpik at kaliskis;  bayawak, agila, buwitre, lawin;  limbas, uwak, ostrits, lawin, kuwago, pelikano, tagak, tariktik;  …

… paniki, kabag, kulisap, balang, tuko, buwaya, butiki; bubuli o hunyango kahit ayaw daw ng levitiko o haram at halal …  kung pantawid-gutom naman at basta alang lason, malinis at masarap ang  luto at  timpla!

for breakfast 2moro, will have blanched leafy vegie (kamoteng baging) with crushed sweet tomato (pinigang kamatis) in sparkling salted seafood (bagoong balayan) and fish fillet de el nino (tuyo), solved na busog na busog pa!

… “reciprocity” is no big word anymore, it does not even convey the good essence of the past, despite of being so near, within reach even by simply looking back …

“utang na loob” has lost true meaning, so, people just smile to thank the internet for the word “delete” … coz’ it’s much much better to forget than to regret!

… mabangong bulaklak ng ilang-ilang, bagay na handog sa dalagang kumintang ……

a fling with a computer in 93, romancing with aim internet in 96, making love to friendster, multiply and email in 06, coming with facebook in 08 until now … what’s next?…

ang maantak na kagat ng hantik ay gantimpala sa pagsamyo ng mga bulaklak sa ilang … ilang-ilang ng buhay, sasamyuin kita hanggang mamatay!

Dati-rati, ang alam lang ng mga estudyante sa pinagmulan ng mga tao sa katagalugan ay ang mga ilog. Tama ito at talaga namang totoo.

Pero, dapat idagdag natin na nagkaroon ng mga mga bagong probinsiya at siyuyad dito sa malaking pulo ng luzon ay  noon lamang pumasok ang mga dayuhang mananakop.

Noong una, ang alam ng mga katutubong tagalog ay ang pangalan ng mga  kahariang gaya ng Mabunga at mga lalawigang Kalilaya, Kumintang, Iloko, Kabikulan, talim-asin at  kung meron pang ilan na nakakaalam ng mga lihim na kasaysayan ng kahariang tagalog na tahanan ng mga maginoong taga-ilog.

Kaya, hayaan ninyo na lang halukayin natin ang mga lihim ng kasaysayan na nalibing sa mga ilog nito, tulad ng pasig na isang salitang tagalog na ang kahulugan ay pinagtatalunan pa ng mga marurunong daw.

Kung ito man ay “tubigan” sa mga ibang nakakaalam ay hindi na rin mahalaga, huwag na lamang daragdagan pa ng mga alamat, tulad nina “paz at igme” at “paz save me” na nagkapagpapawala ng bait sa mga taong ang ibig lamang ay makaunawa ng talagang totoo.

Mas mabuting pang ipalagay natin na ang pasig ay hinango sa “pasi” na ang kahulugan ay “daanan” gaya ng pangalang “el paso” ng isang lugar na sa teksas ng america na may maliwanag na kahulugan.

Huwag na rin sanang ipilit ng mga taong ang hangad lamang ay manlito ang “marikit na” at “maria quina” para sa Marikina, mapalitan lamang ang tunay na pangalang “wawa” na ilog ng mga timawa at maitago ang tunay na pagmamay-ari ng lupang payatas.

Hindi nararapat na ihalo ang alamat sa tunay na kasaysayan.  Nakakainsulto ito sa dunong ng tao at maliwanag na isa lamang pakana upang sirain ang pagkakakilanlan ng ating mga katutubo na ang hangarin lamang ay makaalam ng kanilang tunay na pinagmulan.

Noong una, ang Mabunga ay mga maliit na ilog o batis na parang bitukang nagdurugtong sa lawang may nilad at lawang babaye.

Ang mga lawang ito ay ang palayok ng kasaysayan ng buhay ng ating mga ninunong tagalog noong ang luzon ay tinatawag pang “pulo ng ginto”. Aninag pa noon ng mga matang-lawin ng alapaap ang mga tulay na bundok na nakapalibot sa ating mga pulo.

Matagal ng naglaho ang mga panahong iyon. Malaon ng nawala ang mga ginintuang saglit ng isang kahariang tagalog ng mga tawo sa mundo.

Makaraan ang mga daantaon, iba’t ibang mga dayuhan ang nagnais manirahan at magkamit ng payapang pamumuhay sa mga dalampasigan ng ating mga lawa, sa bambang ng ating mga ilog at buhanginang bahagi ng ating mga dagat.

Sila ang mga hindu, intsik, muslim at bisaya, lalo na ang mga taga yuropang may masugid at malawak na paghahangad sa ating mga yaman ng lupa.

Taglay nilang lahat ang sariling nilang paniniwala sa diyos na lumikha at ginamit nila ang dahas ng kanilang mga sandata upang ang mga taga-ilog ay mapasamba sa kanila.

Ang tundo at pasig na una nilang nakita sa pulo ng ginto ay ginawa nilang mga “encomienda”, “hacienda” o “pueblo” na parang sa mga kastila.

Lahat ng abot-tanaw ng tingin pagkalapag nila sa mga pook ng kambal na lawa, ay tinawag nilang sakop ng kanilang pamamahalang nabanggit at sinaliksik nila ang bawat sulok ng mga bukirin ng kapatagan at burol ng kabundukan upang malasin ang lawak ng tagalog na kalupaan.

Sunud-sunod na nilang pinangalanan ang mga kabayanan at probinsiya sa luzon, katulad ng una nilang ginawa nila sa pulo ng panay, noong magkaaway pa ang mga hiligaynon, sugbuhanon, waray at iba pang mga lipi ng bisaya.

Makalipas ang ilang panahon dito sa luzon ay isinunod nila ang pagtatatag ng malawak ng taniman na tinawag nilang “hacienda de marquina”, halos kasabayan ng “hacienda de santa ana” at nitong huli ay isinunod pa daw ang hacienda de mandaloyon ayon naman sa abogado ni quezon na si ortigas.

Una nilang tinalunton ang isa pang katutubong ilog na ang tawag ay “wawa” ng “lupaing mabunga” sakay ng mga balsang kawayan at bangka hanggang sa makarating sila sa dalawang burol na simula ng ilog sa paanan ng amang bundok.

Kapagkaraka ay isinama nila sa encomiendang tinawag nilang pasig ang mga lupain ng lalawigang mabunga.

Ginanap nila ang pagbibinyag ng mga pangalan para sa mga katutubong lugar at mamamayan nito matapos nilang itatag ang tundo bilang unang pueblo sa baybaying maynilad na tinahanan ng mga bisaya’t muslim na datu, lakan at raha dito sa katagalugan sa ilalim ng isang tahimik na pagmamasid ng mga gat at dayang na mga taga-ilog.

Alam na ng marami ang mga nangyari mula rito sapagkat nagkaroon na ng mga aklat na sinulatan ng mga maling kasaysayan ng buong kamaynilaan.

Sa loob ng napakahabang panahon o mahigit sa tatlong daang taon ay isinulat nila sa mga aklat ang mga nangyari ng dumating ang panahon ng mga amerikano na sandaling ginambala ng mga hapon.

Pati na ang ilang mga ulat ng pakikisalamuha ng mga tagalog sa madyapahit, bisaya, muslim, indiyan at intsik bago pa dumating ang mga kastila, pero hindi nila kailanman binigyang-halaga ang mga pangalan ng mga tunay na katutubo.

Ang mga itinala lamang na mga pangalan ay yaong sa mga dayuhang sa kanila ay nakisama at sumang-ayon sa bagong reliyon at pamamahala.

Meron din nabanggit na mga pangalan na may kinalaman sa katutubong kasaysayan pero halos lahat ay ang tungkol sa mga pari ng simbahan, dayuhan at mga lahing haluan ang dugo na tinawag na mestiso.

Bihirang-bihirang mabanggit ang mga pangalan ng mga taal na mamamayan o masulat man lamang ng mga naghabi ng kasaysayang tagalog.

Dahil sa ang pinag-ukulan ng panahon at paniniwala ay ang mga kumampi sa kanilang simbahan, hindi ang pangalan ng mga lumaban na bagkus ay kanilang kinalimutan.

Minsan ko lang nakita ang pangalang Wanay na isang katutubo bagama’t siya ay isang tunay na mandirigmang iginagalang noon na isinugo ng mga maginoo upang alamin ang pakay ng mga dayuhan sa kanilang pagdaong sa lupain ng mga tagalog.

Ipinakilala naman siya ng mga bisayang muslim sa mga kastila na may pagpipitagan bilang maginoo ng mga katutubo.

Kinalimutan nilang ipaliwanag na ang tawag sa kaniya ng mga katutubo ay “Maginoong Wanay” at sa halip ay isinulat ang kanyang pangalan na “mawanay”. Hanggang dito na lamang ang naulat sa aklat tungkol sa sinabi nilang maginoo.

Sa ngayon ay unti-unting nalalaman ng lahat na may mga katauhan ang mga tagalog na ang pangalan ay Dayang Panginoon na asawa ni Gat Balagtas, at Dayang Lahat na asawa naman ni Gat Timog.

Mga anak naman nila sina Gat Salalila at Gat Kahiya ng kahariang mabunga, na isa naman sa kanila ang pinagmulan nina Matanda, Soliman at Lakandula ng Tundo at Maynila, na nalahian ng mga dugong muslim o hindu.

Isa pang mahalaga dahil mas malalim ang simula ay ang pagkabanggit sa pangalan ni Dayang Kalangitan na asawa ni Gat Lontok.

Sila ang katutubong itinalaga ng mga maginoong Pinga upang umugit ng pamamahala ng mga balangay o balanghay sa lalalwigang mabunga na isang tunay na kaharian noong hindi pa ginagambala ng dayuhan ang pulo ng ginto.

Sa panahon ring naturan unang nagbalik-bayan ang mga kapangpangan mula sa mga ibayong dagat.

Walang patotoo o maaaring makapagsabi kung paano nasaliksik ng mga manunulat ang mga pangalang binanggit sa itaas, pero malamang sa hindi, ito ay mga kuwento at salaysay ng mga taong pinagkakatiwalaan ng mga tunay na nagpantas ng kasaysayano

O mga ulat na naisulat ng mga taong iginagalang sa ngayon, na ipinagpalagay nila na ang mga ito ay kuntil ng katotohanan para sa kasaysayan.

Sinaliksik nila marahil ang mga nalalabi pang kasulatang naitago ng estado at simbahan, na maaaring nakalimbag pa o nakaukit sa baybaying kabi ng mga tagalog noong araw.

Kung ito ay totoo, ilabas naman nila ang mga gintong karunungang ito para maging lubos na ang paniwala ng mga tao sa pinagmulan ng kanilang mga bayan at siyudad.

Bukod dito, dapat ring isaalang-alang sana ng mga manunulat na mahilig sa mga kasaysayan ang mga pangalan ng tunay na maginoong tagalog, na noon pa mang mga unang taon ng kastila sa katagalugan ay pinilit nilang ibaon sa limot at alisin sa alaala ng mga timawa at mandirigma.

Ang mga dayang at gat ang mga itinakda para umugit ng pamamahala ng mga balangay o balanghay ng mga tagalog noong wala pa ang mga kastila at dapat lamang maalaala kung sino at ano ang mga pangalan nila.

Pero ang mga maginoong nagtakda sa umugit ng pamamahala ay ipinagwawalang-bahala. Ang pagsagot sa bakit ay magiging masakit kapag itatagong pilit sa dibdib ang mga dahilan.

Huwag nang mag-alala’t wala ng hahabol pa sa mga lupaing tagalog na kinamkam at sinakop. Huwag nang matakot ang mga pulitikong manlilinlang at ganid na simbahan sapagkat wala nang magagawa ang mga maginoo, mandirigma at timawa, na matagal nang tumanggap ng palad ng buhay ng pagdurusa.

O kaya naman, tuparin na lamang ng mga oligarkong ortigas, ayala, zobel, aquino, lopez, cojuangco at ilang pang mga humahawak sa leeg ng gobyerno, kasama na ang simbahang katoliko, ang payatas ng mga maginoong tagalog.

Ibalik na lamang sa mga timawang manggagawa ang mga lupang pangako kahit maliliit na bahagi lamang, upang mabawasan kahit kaunti ang paghihikahos ng kanilang mga buhay.

Payatas man o pangako, naiaatas na ng panginoong maykapal ng mga katutubo ang pagpako kay kristo ng kristiyano, upang ang buhay ng mga tawo ay magbago o maglaho.

Huwag manimdim sapagkat darating din ang bagong liwayway ng araw na may luningning at tingkad sa salamin ng buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s