311st blog … dagon sa hoyohoy

tinanong ko noon ang isang kaibigang ang apelyido ay dagohoy tungkol sa tunay na buhay ni francisco, pero halos wala siyang nasabi liban na lamang doon sa mga nabasa sa mga palasak na libro ng kasaysayan.

kaya naman ako ay nagsaliksik at ang mga sumunod ang aking nalaman.

sa lahat ng mga indio, si dagohoy daw ang pinakamabangis at pinakamagiting, ayon sa heswitang si pedro murillo, kaya lang pagheswita ang nagkuwento, hindi malaman kung ano ang totoo.

walumpu’t limang taon ang pinaka-mahabang aklasan laban sa simbahang kastila na nagsimula nuong 1744 dahil sa kabuktutan ng isang frayleng si Gaspar Morales, ang cura sa Inabanga.

inutusan niya ang isang pulis, si Sagarino Sendrijas, na dakpin ang isang taga-Bohol na umalis pagka- katolico at lumayo sa simbahan para bumalik sa pananampalatang magdiwang, subalit pulis ang napatay.

ang bangkay niya ay dinala ng kanyang kapatid na si Francisco Sendrijas, upang mailibing sa sementeryo ng simbahang katoliko sa Inabanga na dating lugar ng sambahan ng mga katutubo.

subalit ang prayleng nag-utos mismo kay Sagarino na sumunod sa kanyang utos na naging dahilan ng kanyang kamatayan ay tumangging ipalibing ang bangkay sa simbahan.

ang simbahang tinuran ay sariling lugar ng mga katutubo na sagradong pook na sambahan ng kanilang mga ninuno, na ginawang sambahan din ng mga kastila.

ang dahilan ng pagtanggi ng simbahan ay dahil sa duwelong kinasangkutan ni sagarino sendrijas na dahilan ng kanyang kamataya, at ang duwelo ay ipinagbabawal sa utos ng simbahang katoliko.

tatlong araw na ang bangkay na hindi inililibing dahilan kung bakit naghimagsik si Francisco Sendrijas na ang katutubong pangalan ay Dagohoy at kapatid ng yumaong si Sagarino.

Isinumpa ni Dagohoy na maghiganti sa mga prayle at simbahang katoliko.

Katulong ang kanyang mga kapanalig na magdiwang, nagtatag siya ng malayang pamahalaan sa mga kabundukan ng Inabanga at Talibon sa ilalim ng diwa ng mga maginoong tagalog na dati na nilang niyayakap at itinataguyod.

Ang pamantayan at simulain ng Magdiwang sa katagalugan ay muli nilang itinanim sa kaisipan ng buong kabisayaan sa loob ng halos isang daang taon.

Sinimulan nila ang malawakang paghiwalay sa simbahang katoliko na unang itinatadhana ng Magdiwang.
Umabot sa 20,000 mga bisaya ang sumapi ng mabantog na siya ay may ‘galing’ o ‘anting-anting’.

Ang pangalang dagohoy mula sa “dagon sa hoyohoy o agimat sa hangin” at nakakatalon daw si dahohoy sa mga tuktok ng magkakabilang bundok ayon sa mga alamat ng mga bisaya.

Noong mga panahon na pinapaalis ang mga heswita sa luzon at mga karatig na pulo, ang mga prayleng recollect naman ang pumalit at namayani sa Bohol.

Ang bagong frayleng na si Pedro de Santa Barbara ay ilang ulit nakipag-usap kina Dagohoy at iba pang pinuno upang makipagkasundo tungo sa kapayapaan para mapaglabanan ng kalakasan ng Magdiwang na umiiral sa malaking pulo ng luzon..

Humingi si dagohoy sa gobernador na si Jose Raon (1765-1770) ng general amnesty para sa lahat ng naghimagsik sa Bohol, dahilan kung bakit pinaalis ng gobernador ang kanilang mga sundalo liban na lamang sa isang lugar sa bohol.

Nagkaroon ng kapayapaan sa bohol kaya bumaba mula sa mga kabundukan sina dagohoy upang manahimik, subalit nagbalikan silang lahat sa gubat.

Muli silang naghimagsik ng ipilit ng mga frayle na magtayo ang mga katutubo ng mga simbahan at kumbento upang mamuhay sa ilalim ng mga kastila.

Mula nuong 1772, ipinagbawal ng mga pinuno ng himagsikan sa kabisayaan ang pagsuko at kikitlan ng buhay ang sinumang lumapit sa mga kastila.

Kaanlinsabay ito ng mga patakaran ng magdiwang sa buong luzon tungkol sa masugid na pagtahak sa landas ng republika ng katagalugan.

Hindi na matunton kung kailan ipinanganak si Dagohoy at lihim pa rin kung kailan siya namatay. Patuloy ang aklasan kahit siya ay wala na, sa pamumuno ng kanyang anak na si Handog, at ng kapatid na si Iwag.

Tuluyang nagapi ang kanilang aklasan nuong Agosto 31, 1829 ng maipatapon ng gobernador na kastilang si ricafort sa labas ng pilipinas ang halos isang daang bilang ng mga pinuno ng kanilang himagsikan sa bohol.

Sa maynila naman, ay patuloy pa ring malakas ang kaisipang magdiwang lalo pa nga ng sumapi sina Andres Bonifacio ng tundo kasama nina Emilio Jacinto at Ladislaw Diwa sa Magdiwang.

Naitatag ang kataas-taasan, kagalang-galang katipunan na mga anak ng bayan ni Andres Bonifacio sa ilalim ng mga adhikaing magdiwang.

One thought on “311st blog … dagon sa hoyohoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s