293rd blog … kayumangging kaligatan …

ang kaligatang kayumanggi ay siyang kulay ng mga babaing taga-ilog na tinatawag ding gandang-tagalog na kadluyan ng tunay na kariktan.

kung baga sa isang bungang-kahoy, kainamang kagatin para kainin, parang isang kawayang taga sa panahon na mapapakinabangan sa tamang panahon, parang kaning maligat nguyain dahil sa sarap at linamnam …

ganito ang mga kadalagahan ng katagalugan, at heto naman ang sinabi ng isang taga-pulilyo …

“Kaming kayumangging kaligata’y sunog sa araw ang balat,
Laong sa laot lagi nakatanaw.

Ang paang walang saping namumutok sa lipak                                                                 Sa pananalisod ng kantuni sa puting buhangin.

Sumususog ng sanrekwang pangangahig sa patuto ng bakekong                                                                                          Na may Tigmamanuking nakatitig

At tinatarol ang igpaw ng isdang humuhugot ng sariwang hangin                                             At dumadayaw ng babala

Subalit ang puso’y tapat sa pag-ibig …
bumubukal na ilog na ang linaw ay walang pagkupas.”

Ang kayumanggi na tinatawag na avellana o moreno sa kastila, brown naman o tan at nut-brown sa ingles, ay kakulay ng mani at kokwa.

Isang kulay na kakaiba dahil tulad nito ay sinag ng ginto o kinulayang sikat ng araw. Kawangis din nito ay madilim na dilaw, kahel, o pula na may mababang tingkad na may kaugnayan sa mga bagay na kinulayan ng puti,

Tinatawag din ang kayumanggi na kulay-balat o kulay-kape, at karaniwang ginagamit ang kayumanggi para tukuyin ang kulay ng balat ng tao.

Hindi lang nagsasabi ng kulay ng balat ng isang ng tao, nagsasabi rin ito ng kulay ng isang lipi o lahi dahil ito nagmula sa dalawang salita na kayu at manggi.

Ang kayu o kayo ng tagalog ay mga hibla o sinulid na kapag sinabing kayu, tiyak na manipis ito at maganda ang pagkakahibla, pino’t masinsin ang pagkaka-sutla.

Samantala, ang manggi ay isang salitang nagmula sa mago ng mga tagalog. Katumbas ito ng magi ng mga taga ibang pulo na ang ibig sabihin ay pantas.

Ang mga sinaunang guro sa katagalugan ay tunay na pantas. Maaari din naman na ang mga gurong tagalog ang tatlong haring mago ng bibliyang kristiyano na dumalaw diumano mula  pa sa malayong silangan at naglakbay pa ng malayo para lang mag-alay daw ng ginto, kamanyang at insensong handog sa sanggol na si kristo.

Tunay na tunay namang may mga hari sa pulo ng ginto noong panahon ni kristo, kaya nga talagang may katwiran ang simbahang romano na bigyang halaga ang kalinangan ng mga taga-ilog na una pa sa panahon nila.

Maaring nagmula din ang kayumanggi sa kahulugang “fine magic or wisdom” o magaling na salamangka o karunungan” o “mahusay na kaalaman” patungkol sa mga taga-ilog.

Ang “kayumanggi” ay kulay din ng “puno ng bakawan” na naglalarawan din sa mga katubo para naman sa mga taga-melayu na na hinango nila sa tagalog na “malaya” o baka naman “malayo” na puwedeng “malay” or “far away” sa ingles.

Kayo ang mamili ng paniniwalaan ninyo, bahala kayo sa buhay nyo! … heheheh!

One thought on “293rd blog … kayumangging kaligatan …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s