306th blog … ang tagig daw ay tagagiik?

halaw sa sinulat ng taga-giik ng tagieg na ngayon ay naging taguig …

… Lumulutang ang boses ng isang lalake sa vegetable section ng super store habang hirap na hirap na mag-english sa kaniyang dalawang anak.

Maraming napalingon sa kaniya lalo na ang mga pilipitnong customers dahil halatang-halata ang pilit na pilit na pagsasalita niya ng ingles.

Ang nakakatuwa, sumasagot sa purong tagalog ang mga kausap niyang bata! Halos magdugo na ang ilong ni Manong sa pagsasalita ng ingles sa kaniyang mga anak, eh marunong naman palang mag-tagalog ang mga ito.

Pambihira naman! Minsan talaga ay may mga kababayan tayong pinipilit ang hindi dapat ipilit. Marahil ay disoriented si Manong sa kung ano ba talaga ang dapat gamiting wika sa pagkakataong iyon …

Sa bahay, wikang Pinoy ang gamit namin.

Unang-una, mas komportable kami ni Misis na magsalita ng sariling wika, pangalawa, gusto naming maging bahagi ito ng pang-araw-araw na buhay ng aming apat na anak.

Sa pamamagitan nito, hangad namin na darating ang panahon na hindi malilimutan ng aming mga anak ang kanilang kinagisnan dahil sa simpleng paggamit ng wikang kanilang pinag-ugatan.

Gaano nga ba kahalaga ang paggamit ng mother tongue sa ating tahanan? Ito ba’y simpleng pagsasalita lamang ng ating kinagisnang wika o merong mas mahalaga itong dulot sa ating mga anak sa hinaharap?

Naniniwala ako na ang wika ay daluyan ng kultura at values ng bawat pamilya. Ang paggamit ng wikang kinagisnan ay isang paraan ng pagtuturo sa mga bata ng kanilang sariling kultura.

Sa pamamagitan nito ay natututunan nilang bigyang pagpapahalaga at paggalang ang iba’t ibang kultura dahil sila mismo ay may paggalang at pagpapahalaga sa kanilang sariling wika at kultura.

Ibig sabihin, ang mga bata ay inaasahang lumaki na mulat ang kaisipan sa mga pagkakaiba ng kalingangan.

Kapag si Lolo at Lola at iba pang mga nakatatanda ay kinakausap ng kanilang mga apo sa sariling wika ay tiyak ang matinding bonding o strengthening ng family ties.

Tiyak na mas lapat at komportable si Lolo at Lola kapag nakakapagsalita ang kanilang mga apo ng wikang kanilang kinagisnan.

Isa pa, ang mga batang bagong dating mula sa Pilipinas ay hindi mahihiyang makipag-bonding sa kanilang mga pinsan na lumaki sa ibang bansa. Pero paano naman ang mga batang doon nagkamulat o ipinanganak?

Maiiwasan din ang mga posibleng barriers sa pagitan ng mga magkakamag-anak. Mas masarap ang tawanan sa mga Pinoy jokes at kuwentuhan kung lahat ay nakakaintindi ng ating wika.

Mahirap ding i-translate sa English ang ating mga tagalog jokes dahil nawawala ang punchline.

Ayon sa isang educator na nagmamarunong, “learning additional languages may help children excel academically, and develop more flexibility in thinking and concept formation.

Children with additional language skills can differentiate and switch back and forth between languages and identify what language to speak with whom.

Sa murang isip ay nasasanay na ang kanilang kaisipan na mag-decide kung kailan dapat magsalita ng English o Tagalog o kahit anong wika na gamit sa bahay.

Sa palagay ko, ito ay mabisang brain exercise na makakatulong kung paano sila umintindi ng iba’t ibang bagay sa iba’t ibang pagkakataon.

Hindi natin masasabi ang kinabukasan ng ating mga anak. Natitiyak ko na may mga pagkakataon sa hinaharap na kakailanganin nila ang paggamit ng sariling wika.

May kalayaan ang bawat isa sa atin kung ano ang gusto ninyong mangyari sa inyong buhay at sa buhay ng inyong mga anak kaugnay sa paggamit ng wika.

Pero kung sakaling kaisa ko kayo sa mithiing palawigin at panatilihin ang wikang tagalog sa ating mga tahanan, narito ang aking mga simpleng suggestions para sa masaya at kapaki-pakinabang na paggamit ng ating sariling wika:

Kausapin ang inyong mga anak ng Tagalog o any dialect na inyong kinagisnan. Tiyakin din na sasagot sila sa wikang inyong ginamit.

Sa paraang ito, ang mga bata ay makakaintindi at makakapagsalita din ng inyong wika. Marami kasi ang nakakaintindi lang pero hindi nakakapagsalita ng ating wika.

Merong kuwento ang isang kakilala na born sa Canada na lintik daw mag-Tagalog ang mga apo dahil sa pangunguna daw ng mga Lolo at Lola.

Mag-videoke. Ito ang napakadaling paraan ng pag-aaral ng ating wika. Kumanta ng mga makababag-damdaming awit nila Ka Freddie Aguilar, Aegis, Regine, Side A at ng libo-libong OPM singers.

Masaya na, kapaki-pakinabang pa para sa mga bata.

Manood at makinig sa inyong free time ng tagalog TV programs na gusto ninyo. Hindi lang ito entertainment kundi bahagi rin ng pag-expose ng inyong mga anak sa wikang tagalog.

Dapat laging may interaction kayo tungkol sa mga babasahing tagalog para maging critical readers ang inyong mga anak in the future.

Alam kong marami pang paraan o istilo ang puwede nating gamitin para mapanatili ang sariling wika sa ating mga tahanan. Sa inyo ko na po ibinibigay ang pagkakataon para alamin at gawin ang iba pang mga paraan.

Kapag naging epektibo ang inyong mga paraan, sana po ay ibahagi natin ito sa ating mga kababayan para makatulong tayo sa lalung pagpapalawig ng sariling wika at kultura sa kabila ng pagiging malayo sa ating bansang kinagisnan.”

at dagdag ko pa … hala! inglisin mo nga ang “awat na” o “nag-alanganin ako” … nag-alangan ako, siyanawa, amen! heheheh! … dapat literal translation, ang hirap ano?

sa kabilang dako naman, isang pamilyang bisaya ang lumikas sa maynila, nangupahan sa isang looban ng mga tagalog …

sanay na rin at malakas silang magkuwentuhabn mula sa gate habang papalakad sa daanang ginta ng looban papasok pa lang sa kanilang bahay, siguro para marinig ng mga kapitbahay na marurunong silang managalog …

sa madaling salita, nakakabulabog ang kanilang usapan sa pilipit na tagalog, pero ok lang para sa mga ibang nakatira ang pananagalog nila …

kaya lang, malalakas ang timbre ng boses na kung magtatanong ka sa sarili, baket kelangang ilakas? … eh, ala namang pakialam sa pinag-uusapan nila ang ibang tao … ito ba ay pagyayabang lamang?

baligtarin naman natin, kung ilokano naman ang nananahan sa looban ng mga bisaya at malalakas mag-ilokano ang mga nangungupahan mismo sa looban ng mga bisaya, ano kaya ang iisipin ng mga bisaya? … heheheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s