327th blog … dagdag!dagdag!dagdagmulta! dagdag muta! … dagadagadagadag!

  1. Parasa Pinga's photo.
    Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.
  2.  
  3. Photo
  4. Photo
  5. Photo
  6. Photo
  7.  

    o, taong dios na mahabagin sa buwes, bweset!pansin kulang …

    tuwing mababanggit ang mga paglabag sa mga batas o regulasyon ng gobyerno dito sa maynila, ang sinisigaw ng radyo’t tv eh “taasan ang multa, taasan ang parusa para sa lumalabag!” …

    mula noon hanggang ngayon, ganto ang ginagawa ng gobyerno – magtaas ng buwis pagkat ang mataas daw na buwis lamang ang tugon para masawata ang mga timawa sa paglabag ng kanilang mga batas …

    para kase itong butaw sa simbahan, na tuwing mananalangin ang mga pari para sa kapakanan at ikagagaling ng mga mananampalatayang taga-ilog …

    lalakihan ang abuloy at babanggitin pa ang mga pangalan ng mga may karamdaman at uunahin sa kanilang mga dalangin sa ibabaw ng pulpito para agad-agad marinig ng dios at unang makarating sa langit …

    o, dios na mahabagin! ama namin, amen!

    buwis! buwis! buwis! ang buwisit kaya naman hindi magkandaugaga ang buhay, pero hanggang ngayon, patuloy pa rin ang walang atang katapusang paglabag sa kanilang mga batas …

    kaya aligaga na naman ang mga pulitikong ang nais ay mamahala habang meipot sa mga tuktok ng ulong bukung-buko, sa pag-iisip kung paano dadagdagan ang mga butaw dahil silang lahat ay uhaw na uhaw sa pagyaman …

    dahil alam nila na buwis ang dahilan kung bakit yumayaman ang mga namumuhunang negosyante, lalo na ang mga pulitiko, pati nga simbahan …

    kaya tandaan nyo, iboto nyo ang mga taong tiyak na magdagdag na naman sa mga patung-patong na buwis ng mamamayan …

    para sa aking mga kalahi’t kababayan! inyo sanang tatandaan! na sa mga darating pang mga halalan, botohan at lokohan! wag na wag nyong kalilimutan! ang mga pangalan ng mga kakandidato’t kakandidatang mga nilalang!

    na sikat na sikat na mga ilusyon ng telebisyon sa ngayon! na mga anakis ng mga tsismis na nakabungisngis na si kris at mga anak kina flip at james na intsik!

    pagkat sila ang mga tunay na pag-asa ng bayan ni ipe, para magkabungi-bunge ang kasaysayan ng bayang wala namang saysay …

    tutal alam nyo na kung pano tumakbo at magpatakbo si bnoy na abnoy na anak ni koring naging asawa ni noy …

    asahan din nyo na tatakbo si korining asawa ni uweng na taga mars; senadorang anak na babae ng artistang si po pero anak naman daw ni makoy; mga anak na lalake ni pareng huse na sina eheheheh at denggoy;

    at baka sumingit pa sina bong at bongbong na mga anak nina mon at makoy! … atbp! … para tumuloy ang prusisyon ng mga santo’t santa sa mga simbahan, hehehe! …

    eto naman ang payo ni maryong pilosopo ng parasapinga …

    ok lang silang mamuno kung lalagyan nila ng aircon ang buong maynila at ang gastos ay kukunin sa malampaya at deuterium, hindi sa bulsa ng mga taong naglilimayon sa daluyong ng mali-maling pag-asa …

     

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s