357th blog … ka gorio sa taong a-onse, sa angkan nina juan, jose, huwana, wanay at joshua!

our pinga belongs to pinga-jose of long time ago,                                                                                                                                                                     are we somehow connected?                                                                                                                                                                                                            March 27 – Ivan Jose – Doroteo Jose

Sir,

I’ve been trying to research about the history of doroteo jose but materials regarding the subject are very scarce.                                  i stumbled upon your multiply site, parasapinga.multiply.com,

and read stories consistent to my grandfather’s account.

I saw in your genealogy the pinga-jose clan. Was donya maria jose a descendant of doroteo jose?

Also, sir, could you also refer me to additional literature about doroteo jose.

Thank you very much.

Ivan M. Jose

March 27 – Ivan Jose

i’m guessing, sir. i was told by my late grandfather that he was the descendant of doroteo jose.                                                                         it was a story a bit different from the ones i have read on the internet

but, nonetheless, very consistent with his account.

i was reading one of your posts in your multiply site, the genealogy of the pinga clan,                                                                                           when i got confused by your description of donya maria jose. just to clarify,                                                                                                           she was a descendant of doroteo jose? or doroteo jose came from donya maria?

just last week i was so thrilled because, finally, i was able to unearth the history of my family through your site.

my reply …

i suppose doroteo was one of the descendants of maria jose’s original clan …                                                                                                         she married a pinga where most of us bearing the same name came from …

regret that we do not have extant records available regarding maria’s lineage, nevertheless,                                                                 i welcome you to the club of ancestors’ seekers …

i also recall my own mother verbally saying that my father came from pinga-jose,

and i’d rather spell it huse as in “huseng batute” as letter “j” came historically late but which changed our own baybayin alphabet … it’s good to know you’re reading my blogs though most of them are not found in traditional books …

may i know your scholastic and work background?

March 30 – Ivan Jose

Thanks for your reply, sir. So Doroteo is not directly from Maria? My grandfather told us that Doroteo was of Spanish lineage. Either he was a spanish born here or a mestizo (my grandfather, in fact, looked very much spanish mestizo).

I read through all your posts and found them very educational. Sort of like a lost account about our history. Though distant, I guess we are indeed somehow related.

The history of the Pinga clan is very impressive. Way impressive than the histories of the current well-known families in politics or business.

Sir, I’m a Geology graduate from UP Diliman but shifted to marketing communications. I’m in banking. I’m also taking up a Masters degree in Development Communication from the UP Open University.

Many thanks again for your reply. I hope you would never tire with my questions.

March 30 – Parasa Pinga

i hope we are really talking about the same maria and doroteo … just to remind however that given names have been repeated throughout the ages that tend to confuse one’s identity …

clan/family names remain the same however in tracing the roots, but of course, could change in form or spelling, as in the case of penya, pena, pinea, pigna and many others …

surely,  researchers shall be surprised that an island somewhere  in the middle of carribean seas was named after pinga but spelled awkwardly as in pigna due to the inadequacy of pronunciation of tagalog words, which was the etymology or origin of a fountain right there in vatican? … hey, corsicans! wake up! …

our mutual problems here lie on the fact that our original records were burned or simply lost and discarded in our colonial periods … so we are all misidentified as a people … i will not get tired with questions coming from a nice guy like you …

April 3 – Ivan Jose

thank you, sir. i strongly feel we are talking about the same doroteo and maria. as i have previously mentioned, my grandfather’s story is very consistent with your story about doroteo, albeit with a slight variation.

i believe that’s understandable given the lack of written records. he was very proud that a street was named after his grandfather.

thank you again, sir. if you find more materials, i hope you would share these with me.

my postscript:

jose and juan are just names spelled in spanish/latin manner that can wrongly attribute an origin … the main reason or culprit was the roman alphabet imposed upon an authentic heritage, the baybaying tagalog  …

people do not remember anymore that when the conquering europeans came and explored our islands for about three hundred years, the natives especially the taga-ilog were subjugated so completely that their very own huwan and huse became a transformed european identity, thus, the propriety was misplaced …

in addition, the island they called luzon, was really and actually the “pulo ng ginto” where pinga, a tagalog clan, originated in fact and in truth …

in the absence of the true tagalog history that was written on papers made of gold, silver and copper which which were melted away by the visitors of luzon called by the natives as banyaga, all they wrote in their books of history were stories and names of their compatriots who ransacked our primitive but noble lands.

 

Prev: huse at pinga ….

… ka gorio, ni maginoong timawa …
November 17, 2011 at 10:56am

Wala na talagang nakakakilala kay Maginoo Gregorio Pinga. Eh, sino ba siya?

Ang kanyang pagkatao ay kayang ilarawan sa maraming paraan, pero bigyang pansin kaya ng mga mananalaysay sa ngayon ang kanyang angking kasaysayan na sinadyang kalimutan noong mga nagdaang panahon?

Batay sa isang talaang tungkol sa kasaysayan ng lumang bayan ng Pasig, si Ka Gorio ay naging mayor o gobernadorcillo noong mga taong 1864, noong malawak pa ang sakop ng bayang ito na ngayon ay isa ng maliit na siyudad.

Siya ay isang tunay na heneral na itinalaga ng katipunan dahil sa pangalan ng kanyang angkan na siyang pinag-ugatan ng Magdiwang na kinaaniban ni Bonifacio.

Siya ay isa sa mga naging punong-bayan sa kalakhan ng Pasig noon na itinatag ng bagong gobyernong kastila. Ito ang resulta ng “divide and conquer” na kanilang isinagawa sa tulong nga mestisong mamamayan upang malimot ng tuluyan ng ating mga lumang lalawigan.

Ang kanyang mga ninuno ay kabilang sa isang lahing tagalog na humubog ng isang kaisipang malaya para sa isang lupaing tinawag noon na Mabunga na isang kaharian.

Kaya ang tanong, bakit sa simula pa lamang ng mga bagong bayang itinatag ng mga dayuhan sa lupaing tagalog ay hinikayat na ng mga mananakop at paring kastila ang angkan ng mga Pinga na tumulong sa malawakang pakana sa pamamahala ng isang pinag-iimbutang kalupaan na tinawag noong unang panahon na “Pulo ng Ginto”?

Kailangan ng mga dayuhan ang mga katauhan ng mga maginoo upang mahikayat nila ang mga katutubong tagalog na gumalang at sumunod sa bagong pamahalaang itinatatag.

Batid na nila ang kinahinatnan ng mga bisaya, muslim, intsik at kapangpangan na nagtangkang sumakop sa pulo.

Ito kaya ang tanging dahilan kung kaya tinanggap nila ng buong puso ang pagkatalaga ni Gregorio at ng kanyang mga kaliping maginoo bilang pinuno ng isang pamayanang kanilang dinatnan, o higit pa dito ang kanilang dahilan?

O tungkol ito sa kanilang malawakang pagkamkam sa lupain at kayamanan ng mga maginoo?

Mga unang taon pa lamang ng 1500 ay alam na ng mga kastila kung sino ang namumunong angkan sa lupaing mabunga batay sa mga naitala ng mga paring Agustinians.

Maging sa mga encomienda, hacienda at pueblong itinatag sa pamamahala ng mga banyaga, ipinamalas ng mga timawang katutubo ang kanilang kababang-loob.

Patuloy pa rin ang kanilang  paggalang sa mga maginoo, sa mga gat at dayang sa kanilang maayos na pag-ugit at pamamahala ng mga bayan at lalawigan, hanggang sa panahon ni Gregorio.

Naging sapilitan ang pagkontrol ng mga kastila sa pamamahala ng mga asyendang kanilang itinatag sa pamamaraan ng krus at espada.

Sa kaalaman ng lahat, ang mga asyenda ay direktang pinamahalaan ng mga opisyal, sundalo at pareng kastila, na siyang dahilan at simula ng pagkakahati-hati ng lupaing tagalog.

Noong mga panahong yaon, naging governardorcillo din ang isang singson sa dakong ilocos naman na maaaring magpatunay na ang mga lahing intsik ay malaon na ring namuhay o nanirahan sa luzon tulad ng mga tuason, bengzon, tecson, biason, joson, pozon, liamzon, hizon, dizon, sison at iba pang mga angkan ng mga intsik.

Masasabi ng mga mahihilig sa kasaysayan na kabilang ito sa huling panahon ng paglikas ng katutubo intsik mula sa dakong hilaga sa kanilang pag-iwas sa pananalasa ng emperyo ng mga kan (chan o chan o ang) nina genghis at kublai sa kanilang malaking pulo na kilala ng mga tagalog na asya.

Tinanggap ng mga taga-ilog ng luzon ang mga intsik pero nag-umpisa na ang kanilang pakikihati o pag-agaw sa lupaing tagalog , ayon sa mga salaysay na lihim na aking napag-alaman.

Ang mga haluang dugo ang tumawag na “don” kay maginoong Gregorio at sa paglakad ng mga panahon ay naging kaugaliang ikabit sa mga pangalan ng mga taong naging mayaman bilang paggalang sa kanila.

Pero ang talagang tawag ng mga katutubo sa kanya ay “Ka Gorio” na ang kahulugan ay kapanalig, kapatid, o kasama.

Katunayan nga, ang batang-batang heneral ng katipunan na si plaridel na hinango sa del pilar, ay nagkaroon ng pangalang gregorio dahil sa pagkilala ng kanyang angkan sa katauhan ni gregorio pinga.

Ginamit din ng isang pamilya sa bayan ng pasig ang pangalang gregorio bilang pagtanaw na utang na loob dahil sa pagtatamo ng kayamanan at mga bukirin bilang pamana mula sa pinga.

At marami pang ibang mga pamilya na ang mga ninuno ay kapatid, kapanalig, kaibigan, kaakbay o katulong ng mga maginoong pinga noong mga nagdaan at nalimutang panahon.

Ang iba naman ay tumatawag kay ka gorio ng “Mang” na ang ibig sabihin noon ay “magiting na maginoo”.  Tulad ng nangyari kay Gat Lawis na namahala sa isang kagubatan sa antipolo na ng lumaon ay tinawag na lamang siya na “ka lawis” na ang kahulugan ay kapanalig, kapatid o kasamang lawis.

Para sa di nakakaalam, ang lugar na tinawag ngayon na “calauis” ang tagpuan ng “magdiwang” na tumalunton sa kahabaan ng ilog wawa, na isa sa mga libingan ng kasaysayan ng mga taga-ilog.

Nabago ang mga kaugalian at pananaw ng mga katutubo, binago ng mga kastilang mananakop upang mapalaganap ang sarili nilang kabihasnan …. upang tuluyang iwaglit ng mga tagalog ang kahalagahan ng mga “anito” sa kanilang kinagisnang pamumuhay o kabihasnan.

Kinalimutan na rin nila ang mga gat at dayang na siyang itinakda ng mga maginoong tagalog na mamuno sa iba’t ibang balanghay.

Ipinalit nila ang mga hiram na salitang datu, raha, lakan, sultan, pati na ang governadorcillo, presidente, theniente, capitan at maraming pang titulo ng pagkakakilanlan, sa halip na mga payak na panggalang ng mga sinaunang tagalog.

Pook ng tundun o tundo na sakop ng lupang mabunga ang tinubuan ni Gregorio, sa dako ng lawang maynilad, na tinandaan ng ilog Pasig bilang daanan ng mga “trozo” o mga kahoy at mga punong tinatangay ng mga agos mula sa amang bundok (pero tinawag nilang sierra madre), patungo sa bunganga ng lawang maynilad.

Ang mga malalaking kahoy na ito ay ginagamit ng mga katutubo sa kanilang paggawa o pagkumpune ng mga sasakyang pandagat para sa paglalayag ng mga mandirigmang tagalog.

Sa lugar na ito itinayo ng mga kastila ang “San Jose de Trozo church. Sa ngayon, alam ng mga taga Maynila na ito ang lugar ng Binondo o Tundo, katatagpuan ng munting batis na tinawag ng mga kastila na mga “estero”.

Isa rito ang “estero de Magdalena” na kahanay ng isang daanan sa lupa na kinilala ding “Masangkay street” na noon ay tinawag din nilang “calle Magdalena”.

Si Magdalena ay mula sa maginoong angkan ng mga Pinga na siyang sumulat ng isang testamento ng pagmamana ng mga lupain maginoo para sa mga timawang tagalog.

Ang testamentong ito ay pinagbatayan sa panahon ng pamahalaang amerikano upang malutas daw ang walang katapusang angkinan ng lupang tagalog.

Sa tulong ng isang kalahi ng mga Pinga, ay naisakatuparan ang malawakang pagsasaayos ng pag-aari ng mga lupaing tagalog batas sa documentong tinawag na “torrens title”.

Dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga mestisong angkan na gumamit ng mga panlilinlang, at makikita natin sa ngayon kung sinu-sino ang mga mag-ari ng mga malalawak na lupain na dapat ay nasa pangalan ng mga mamayang katutubo sa katagalugan.

Noon ipinanganak at lumaking may paggalang si Emilio Jacinto sa katauhan ng isang katutubong tagalog na si Gregorio Pinga. Ito rin ang batayan kung bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan ayon sa batas ng Magdiwang.

Ito rin ang lugar na malapit sa “calle azcarraga” na kilala ngayong Recto avenue.

Si Magdalena naman, para sa kaalaman ng lahat, ay isa sa apat na magkakapatid na maginoo na sina Enrique, Mathias, Magdalena at Juan, na pinagmulan ng angkan ni Gregorio.

Sa dakong ito na malapit sa bunganga ng lawang maynilad nabuhay at namatay ang kasaysayan ng mga maginoo.

May nagsabi noon na si Mang Gorio ay ang siyang unang Tata ng bilibid na siyang katawagan sa kaniya bilang paggalang sa kanyang mataas na pagkatao maging sa loob ng kulungan.

Paano nangyari ito at ano ang ibig sabihin ng “tata at bilibid”?

Panahon noon ng masidhing hidwaan ng mga katutubo sa mga mamamayang mestiso o haluang dugo na karamihan ay mga intsik at mehikano.

Nabubuo na ang “gremios de mestizos” na pinalakas ng pangkat ng mga “Magdalo”, laban sa mga “naturales” o katutubo.

Sa mga labanang naganap sa pagitan ng mga mamamayan, ang mga kastila ay nagpakana na lalong patindihin ang silab ng alitan ng mga tao at kanilang inisip na bigyan ng tulong o kampihan ang mga mestiso o haluang dugo, sa tulong ng kaparian ng iglesia catolica romana.

Sa isang pagkakataon ay pinamahalaan ng isang mestisong meksikano o intsik na nagngangalang Mesa o Misa ang kulungang tinawag na bilibid, at wala pang nakapagsasabi o nakapagpapatunay kung siya ay naging kasapi ng magdiwang, magdalo, katipunan.

Maaari din naman na kanyang pangalan ay napailalim sa basbas ng naghaharing mga kastila noon, tulad ng nangyari sa isang kapangpangang Laksamana ang pangalan na naging tagapamahala ng isang moog o “fort” ng mga dayuhan sa dalampasigan ng maynila.

Ang pangkat ng “Magdiwang” ay pinagtibay naman ng pagsanib ng mga makabayang tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Ladislaw Diwa at isang babaing mandirigma na binansagan lamang na Monica sa kabila na kanyang pagiging maginoo.

Laganap ang awayang naganap at ang mga katutubong umanib sa pangkat ng Magdiwang ay hinuli, pinarusahan at ikinulong sa lugar ng kamaynilaan na tinawag noon na “bilibid”.

Ang salitang bilibid ay lumang tagalog na ang kahulugan ay “pagkabuhol” na ang tinutukoy ay ang mga sinulid ng abaka na pinagtagni-tagni upang ikabuhay ng mga tagalog sa kamaynilaan.

Ang abakang lubid ay napakahalagang kalakal ng mga katutubo noon pang unang panahon. Sa panahon ng mga kastila, ang abaka ay nagsilbing malaking gawaing panustos sa mga malalaking barko ng galeyong kastila.

Ang kalakal sa abaka ang nais ng mga mestiso na maging kanila, na ikinagagalit naman ng mga katutubong tagalog.

Kailangan ng mga kastila ang mga lubid sa barko at malaon ng laganap sa mundo ang kahusayan ng “manila hemp” kaya marapat para sa kanila na makontrol ang paggawa, pangangalakal at paglalako nito na dating ginagawa ng mga katutubong tagalog.

Ang mga timawang kaanib ng Magdiwang na ayaw pumailalim sa kontrol at pamamahala ng mga kastila at mga mestiso, ay hinuli, ikinulong at pinarusahan mismo sa lugar ng bilibid.

Ang “bilibid viejo” ay naging bantog noon bilang bilihan ng lubid na abaka. Kayo naman ang mag-isip kung paano naman nagkaroon ng “bilibid nuevo”.

Si Don Gregorio ang naging takbuhan ng mga katutubong naapi sa mga dahas at pagtampalasan ng mga dayuhang mapagsamantala.

Tulad din ng paghingi ng saklolo ng mga mga timawa kay Donya Magdalena noong maglaban naman ang mga kastila at ingles na nagpang-abot sa pook ng bagong-ilog ng bago pa lamang na pagkatatatag na bayang pasig.

Nagpatuloy ang paglakas ng alyansa ng mga dayuhang sundalo at paring kastila sa mga haluang dugo, at unti-unting nawalan ng lakas ang matandang maginoo.

Si ka gorio mismo ay idinakip at kinulong ng mga kalaban na naging dahilan para mag-alab ang mga damdamin ng iba pang mga katutubo.

Dahil dito ay naging laganap at maalab ang pag-anib ng mga mamamayan sa kilusang Magdiwang na pinamunuan nina Jacinto, Diwa at Bonifacio.

Si Don Gregorio at ang kanyang kaanak na si Monica ay itinuring ding mga kasapi, na ginawang dahilan upang siya ay dakpin at ikulong. Hindi na nalaman pa ang nangyari kay Monica at kung anu-anong salasay ang ikinalat tungkol sa kanya kasama na ang pagiging kalapating mababa ang lipad.

Ang matandang maginoo naman na isa sa mga nanguna sa pagtataguyod ng adhikaing republika ng katagalugan ay nakapamuno pa sa buong bayan ng Pasig, bilang gobernadorcillo noong dakong huli ng kanyang buhay.

Ang adhikain ng Magdiwang ay patuloy na isinulong nina Macario Sakay at Glicerio Geronimo hanggang sa panahon ng mga amerikano.

Dapat ring isama rito ang pakikipagsapalaran ng mag-amang Mariano at Santiago Alvarez na mga tapat na heneral ni gat Andres Bonifacio ng Katipunan. Dapat na ring mabanggit ang pangalan ng isang pang heneral na si Masangkay.

Alam na natin ang nangyari sa kasaysayan, ang pananagumpay ng pangkat Magdalo nina Aginaldo, at ang pagkaunsiyami ng mga malalayang timawa sa kanilang pinangarap na republika ng katagalugan at ang gantimpalang kamatayan sa mga maginoong mandirigma ng katagalugan.

Hindi namatay si Mang Gregorio sa kulungan dahil nga sa natala pa ang kanyang pangalan bilang isa sa mga naunang “mayor” ng bayan ng Pasig noong 1864 at nalagdaan pa niya ang ilang kasulatan tungkol sa pangako ng kanilang mga maginoong angkan na ipamahagi ang kanilang mga lupain ayon sa huling habilin ng kaniyang maginoong ninuno na si Magdalena, batay sa isang ulat na aking nabasa.

Ganoon nga ang nangyari, at bilang patunay, ang kahabaan ng isang landas sa patungo sa sierra madre ay tinawag ng mga amerikano na commonwealth, bilang pag-alala sa payatas ng mga maginoong pinga sa mga timawang tagalog.

Ngayon, pinag-aagawan ng mga simbahan ang karangalang na mailipat nila sa kanilang pangalan ang dating landas o daang hari ng mga katutubo.

Kung ano man ang totoong nangyari, hindi pa rin matatakpan ang katotohanan sa buhay ng magkakapatid na sina Magdalena, Enrique, Mathias at Juan, na nagmula sa angkan ng mga Pinga at Jose.

Sila ang mga lantay na mandirigma ng isang liping tagalog, na namuhay sa isang kahariang Mabunga sa pulo ng ginto na tinatawag na Luzon ngayon.

Sa ibang pagkakataon ay pipilitin kong sariwain ang mga iba pang kuntil-butil ng alaala tungkol sa naging buhay ni Mang Gorio, ang maginoong mandirigma, ayon sa mga kuwentong-bukid at salaysay ng mga tagabundok na hindi nasulat kailanman.

Nagpapasalamat ako sa isang estudyante ng history sa U.P. na minsan ay aking nakadaumpalad, na siyang nagbigay sa akin ng kaisipang siyasatin ang tungkol sa naging buhay ng isang nilalang na ayon sa kanyang pananaliksik ay isang matandang katipunero na nakulong bilibib viejo noong bago palang natutuklasan ang katipunan nina Bonifacio.

Ako mismo ay nagitla sa natuklasan kong mga detalye ng pakikihamok ng naturang mandirigman sa digmaan ng buhay, kaya minabuti kong isama ang mga ito bilang pamantayan ng aking sariling muni-muni o bulay-bulay tungkol sa kasaysayan ng mga tunay na tagalog.

  1. Parasa Pinga became friends with Hernando Balmores.                                                                                                                                 DPhoto                                                                                  ..Photo: ... siete infantes de pingaPhoto: siete infantes de pinga!                                                                        Vidafe Mercado Francisco
  2. Photo

    Parasa Pinga
     became friends with Koko SJ.
  3. … hoping that i am not one of facebook users victimized by hackers … pagnakahuli kayo maski isa lang, dikdikin ninyo siya sa higanteng almires, pakuluan sa kumukulong tubig, iprito sa sa nagbabagang asupre, at kung sakaling humihinga pa dahil mahirap talagang patayin ang mga damuho, isumpa ninyo siya ng amen, amen, amen at haleluya! ….
  4. Photo
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s