358th blog … a-onse ulit para sa ilog ng pasig, greenridge at bingo!

… ilog ko, irog ko! Jun 24, ’11

maraming ilog dito sa metro manila, ang lugar na kabahagi ng isang lumang kahariang tinawag noon na mabunga, ang kahariang naglaho’t nawala, hanggang tuluyang mawaglit sa kitid ng alaala …

ilog ang buhay ng mga katutubong tagalog, sinisinta nila ang ilog … ilog ang irog nila … pero binulabog ng mga dayuhan ang tiwasay na kalagayan ng kalikasan sa katagalugan …

mula sa malayong kanluran, dumagsa sa lupain ng mga tagalog ang mga dayuhan … naisantabi ang kabuhayang sakbibi ng pagpapala ng dakilang lumalang, ng maykapal na lumikha ng lahat …

ipinalit ng dayuhang banyaga ang kalinangang kanluran, ang pag-iimbot, ang kawalan ng pagpapahalaga sa mga sariling ninuno … subalit hindi nila maiwaksi ang kahalagahan ng mga ilog sa mukha ng lupa …

pero ngayon, hindi na maaninag ng lantay at payak na kinagisnang daluyan ng tubig-ulan na naging luha ng kabundukan … kilala na lamang sila sa mga bagong pangalan …

ang mga ilog na marilao, meykawayan, lungos, pulo, mabulo, tulyahan, batasan, tansa, dampalit, muson, ubando, maysilo, nabutas, marala, tunsuya, at katmon ay tila ba naghahamon sa kanilang ibang hugis at anyo kasabay ng tinaheros, bangkulasi, bitas, sunog-apog, maypaho, san pransisko, san huan, kuliat, pasong tamo, nangka, maribulo, diliman, dayap, ilugin, mahabang sapa, tagagiik, pateros, ibayo tipas, paranyake, sapote, prensa at napindan na nakikihamok sa patay kung patay na labanan …

ang mga ilog na ginawang esteros nina magdalena, vitas, miguel, aviles, valencia, paco, quiapo, dario, balete, provisor, concordia, pandacan at gallina ay mananatiling mga batis na ugat ng buhay na sinasakal ng mga imbing hangaring sana sila ay mamatay sa mga basura ng banyagang dayuhan …

maging ang ilog pasig at ilog wawa, ang kambal na libisan ng mga luha ng alapaap at laway ng kabundukan at karagatan ay mag-aaklas upang ipamalas sa madla ang tunay na halaga ng matinong pamamahala …

dati, ang daloy ng tubig sa mga ilog ay malaya, walang sagka, walang bakod na bukas-sara, isang lugar lang sa metro manila ang binabaha, pero kinamkam ng dayuhan ang pook na tinuran, tinayuan ng palasyong tinirahan ng kapangyarihan ng mananakop mula sa kanluran …

at sa loob ng daan-daang taon ay patuloy ang kanilang pag-iingat na mapanatili ang palasyong tinawag nilang “mala-cana” …

doon mismo sa lugar na pinagtayuan ng mga taga-ilog ng mga dampang kawayang binuwag ng mga dayuhan upang maitayo ang kanilang marangyang tahanan …

at ngayon, nilakihan pa nila at hinabaan ang maliiit na sapang lagusan ng ilog wawa na pinalitan pa ng pangalang marikina upang sa panahon ng malaking baha ay tumuloy ang tubig sa lawa ng laguna, upang iwasan ang dagliang paglaki ng ilog pasig sa lugar ng palasyong tinayuan ng masamang kawayan …

mahabang sapa na taniman ng mangga ng mga katutubo ay hinukay ng madlang timawa, tinawag na manggahan floodway na nilagyan ng gate na bukas-sara patungo sa lawa ng laguna …

at kung umaapaw na ang tubig sa tinurang lawa, kontrolado din ito ng floodgate na nasa ilog pasig naman upang maiwasan ang biglang pagtaas ng ilog sa lugar ng palasyo habang ang mga timawa sa metro manila ay sagana sa tubig baha …

ang tubig sa laguna de bay ay lumalaki habang bumabaha ang ilog marikina na pinagmumulan ng daloy sa iba pang mga ilog …

kung kaya naman ang lahat ng mga siyudad at bayan tulad ng san mateo, quezon city, marikina, mandaluyong, san juan, pasig, pateros, taguig, cainta, taytay na halos buong metro manila ay palaging lubog sa tubig maski sa konting ulan lamang …

hindi mapipigil ang baha, ngayon at maski noon … pero dapat alam nating lahat kung bakit hindi mapigil ang baha … ang mga barang dulot ng mga kalsada, subdivision, golf fairways, mga buildings at kung anu-ano pang pinaglalagay ng gobyerno at mayayamang tao sa ating mga ilog …

mas madaling isisi ang baha sa mga kuyapo at nilad, mga waterlilies at mga basurang itinatapon ng mga naninirahan na ito raw ang dahilan, pati na ang pagputol ng mga puno o mga kaingin sa kabundukan … sila ang sinisisi, sila ang may kasalanan, sila ang dahilan …

pero alam ko, merong nakahandang sagot ang kalikasan, gaganti na lamang silang sukat sa kanilang sariling paraan, lintik lang ang walang ganti, sapagkat sila ang tunay na kapangyarihan, hindi ang mga mayayaman, simbahan o pamahalaan …

kakainin namin ang mga hantik na sumisipsip sa tamis ng mga bulaklak sa ilang … ngangalutin namin ng buong takam ang linamnam ng kanilang mga laman … gagawin namin ang kanilang ginawa sa aming mga katawang hinahalay maging sa kasalukuyang panahon …

• PhotoPhoto
• Photo
• Play VideoParasa Pinga's photo.
• Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.
Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.
PhotoPhoto
• Photo: Lens: Kaimal Mark II
Film: Kodot XGrizzled
Flash: Off
• Photo
• Joy Pinga-Quicho's photo.Joy Pinga-Quicho's photo.
• Joy Pinga-Quicho's photo.Joy Pinga-Quicho's photo.
PhotoJiro Potter
Lens: John S
Film: Ina's 1969
Flash: OffGreat Yarmouth Beach
Lens: John S
Film: Ina's 1969
Flash: OffParasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo. Joy Pinga-Quicho's photo.
• Joy Pinga-Quicho's photo.Joy Pinga-Quicho's photo.
Joy Pinga-Quicho's photo.Joy Pinga-Quicho's photo.
Photo: The Tower Bridge
• Photo: Lens: John S
Film: Ina's 1969
Flash: Off
•  Play VideoParasa Pinga's photo.
• italian sparkling water, san pellegrino, alias detoxifier kc 2x akong dumume dahil sa kanya, hehehe!new cap from diego g., pero burado na ang pinga ng magamit ko!
Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.
• Parasa Pinga's photo.Parasa Pinga's photo.
Photo
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s