372nd blog … tatsulok sa unang linggo ng enero, 2013

mga lihim na tatsulok ng maginoong taga-ilog …..

Ang kahulugan ng Taytay, Buswangga at Kuyo ng Palawan ay nalimutan na ng mga tagalog.

Ang kahulugan ay naging hiwagang lihim na itinago ng mga mandirigmang tagalog sa maraming
tatsulok ng katagalugan na sinukat ng mga piniling tatlong pook ng mga pulo.

Inilagak sa karagatang sakop ng tatsulok ang limot na kasaysayang tagalog, ang yaman ng lahing
kayumanggi ng magdiwang nina bonifacio, jacinto, diwa atangkan ng mga pinga na siyang
unang nakaalam ng tunay na kahalagahan ng mga lihim na itinago.

Noong bago pa lamang nagsisimula ang himagsikan, unti-unting nilunod ng kataksilan ng
ilang kababayan ang pangarap ng mga magdiwang ang tungkol sa kalayaan,kapatiran, at kaunlaran
ng republika ng katagalugan na kanilang binuo.

Kinapos ng hininga at naunsiyami ang kapalaran nito na dapat ay naging biyaya ng maykapal
sa mga taga-ilog.

Ang Taytay ay ang unang hantungan ng mga unang katutubong naglalakbay at naglalayag mula
sa amang bundok at ilog wawa, tumatawid una sa busuwangga patungong taytay at kuyo upang
tapusin ang tatsulok na hiwaga ng anting anting ng mga tagalog.

Matagumpay man silang nakapaglakbay hanggang sa balabak at sabah, sa mga lupaing sinakop ng
kahariang mabunga ng mga maginoo tagalog noong unang panahon,

upang pagtibayin ang mga adhikaing pinagkasunduan na noong nakalipas na panahon.
Hindi naging sapat ang pagpupunyagi ng Magdiwang na palaganapin ang kapatirang kanilang
pinangarap para sa lahat ng mga katutubo ng lupaing malaya.

Ang diwang tatsulok ay nalunod sa ilalim ng mga dagat, ilog at bundok na nagsilbing mga
kayamanang itinago sa napakahabang panahon.

Jill Pinga-Cruz's photo.
  • Jill Pinga-Cruz's photo.
    Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s