370th blog … lampung sa enero 4, 2013 ng lihim ng lamba!

1. …. sa aking paglalakbay!Mula sa LAMPUNG ay tumuloy sa paglalakbay ang mga MANDIRIGMANG TAGALOG sa dulo ng pulo ng Sumatera na ng lumaon ay tinawag na SUMATRA o ACHE ng mga katutubo sa lugar.

Bawat matandang babae ay tinatawag nilang ate. Nakagiliwan ng mga ginoo ang pakikitungong ipinamalas ng mga mamayan sa kanilang pagdating.

Pagbalik ng mga tagalog sa kanilang kahariang mabunga ay nakatuwaan nilang tawagin ang pinakamatandang babae sa kanilang mag-anak na “ate” na hiniram nila sa salitang “aceh” mula sa sumatera.

Ewan ko kung hiniram lang ito ng mga katutubo sa Sumatra sa mga intsik na nagmula sa mas malawak na lupain. Ang hiraman o pagpapalit-palit nga salita ay karaniwang nagaganap noon pa tulad ng “ate, kuya, sanse at diko” na hiniram din ng mga tagalog bilang sariling salita.

Unti-unti nilang nalimutan ang maragsang “kaka” na tawag-galang sa pinakamatanda kapatid maging siya ay lalaki o babae, pati na ang “bunso” na tawag naman sa pinakabata.

Ang “ima at tata” ay pinalitan din ng lelong at lelang, at salitang “ingkong” ay tuluyan nilang kinakalimutan. ang amang at inang ay nalimutan na ring tuluyan.

Kinalimutan na nila ang mga maginoo, mandirigma at timawang taga-ilog, pati na ang pamamahala ng mga gat, dayang at haring tagalog.

Inilahad ng mga maginoo ang lihim ng pinakamasarap na kapeng tagalog na ninanamnam ng mga musang sa ating mga kabundukan at ang mga buto nito ay ibinubuga o iniluluwa sa mga daanan at libisan ng kagubatan.

Ang katutubong linamnam ng sabila ay ipinamalas nila sa lahat, pati na ang pagkuha sa tunay na katas ng tubo at niyog ay inihain ng mga mandirigmang tagalog sa hapag ng  karunungan.

Ang ganitong kaalaman ay lubos na ikinatuwa ng mga katutubo. Dali-dali silang namundok at doon sa mga liblib na pook ng kanilang gubat ng kabundukan ay natagpuan nila ang mga buto ng kape na hindi nila minahalaga noong una.

Sa kanilang katuwaan ay ibinusa nila ang mga butong kape sa baga matapos ibilad sa init ng araw, binayo pagkatapos para mapino, at sa harap ng mga maginoong kapatid ay nagpakulo sila ng tubig na panghalo sa kape.

Kinuha nila ang laman ng sabila at nilasap ang ginahawang pumaloob sa kanilang isip at katawan, at nagpakalango sila sa init ng sarap ng alak ng tubo at niyog, tulad ng ginagawa ng mga katutubong tagalog sa pulo ng ginto.

Malinamnam din ang kapeng pinili, pinitas at idinumi ng kanilang mga alamid sa kagubatan, halos halintulad sa lasa ng kapeng dulot ng musang ng katagalugan, pero ipinaliwanag ng mga taga-ilog na hindi ito ang tamang paraan.

Sa halos magdamag na pagdiriwang para sa kapatiran, nalango sa kasiyahan ang mga timawang mamamayan sa sarap ng alak na lambanog.

Nagpaligsahan sila ng mga malalamyos na awit na ginagad mula sa siyap ng mga ibon habang buong tuwa sa pagsasayaw ng mga katutubong-kilos ng mga alagang hayop.

Sa katapusan ng kanilang pagdiriwang sa dakong bukang-liwayway ng umaga, naghandog sila ng taos-pusong pasasalamat sa lumalang ng lahat habang nakalahad ang mga kamay at nakatingala sa langit.

At sinasambit ang pangalan ng anitong pinga na gumagabay sa kanilang masaganang pamumuhay at itinuro ang lihim ng lamba.

2. … parakaninoto?
... parakaninoto?
... parakaninoto?
... parakaninoto?
... parakaninoto?
... parakaninoto?
3. … sinangag at soriso sa casa armas, plus paella?!?
Photo: ... sinangag at soriso sa casa armas, plus paella?!?
we woke up early to make this! thanks mamu for the animal cake maker!! :)“"When you wake up in the morning, Pooh," said Piglet at last, "what's the first thing you say to yourself?"

"What's for breakfast?" said Pooh. "What do you say, Piglet?"

"I say, I wonder what's going to happen exciting today?" said Piglet.

Pooh nodded thoughtfully.

"It's the same thing," he said.”

Beff

A. A. Milne  (English Humorist, creator of Winnie-the-Pooh, 1882-1956)Happy happy birthday dada. We love you so much. Wish we were there to help you eat your cake :)My Little Girl by Tim McGraw

Gotta hold on easy as I let you go

Gonna tell you how much I love you

Though you think you already know

I remember I thought you looked like an angel

Wrapped in pink, so soft and warm

You've had me wrapped around your finger

Since the day you were born
ninang/tita jill! thank you for our ice cream maker (it works!) and other loots. we love them!! :)
• Jill Pinga-Cruz
• Marissa Jacinto
• Shiela Arnaiz De Villa
• Kathleen Seitz Pinga
• Laine Yabut Visaya
• Beth Jalotjot Guizon
• Agnes Dizon Narciso
• Vinson CoSay
1. … manigong bagong taon!
... manigong bagong taon!... manigong bagong taon!
... manigong bagong taon!... manigong bagong taon!... manigong bagong taon!
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s