389th blog … privatization, epira, ipp at daang deretso ng pilipitnas ni abnoy!

  1. … ang privatization, bow!

    maganda ang tunog, madaling sabihin kahit ingles, heheheh! pero naiintindihan kaya ng mga mamamayang karaniwan lang ang talino o kakarampot ang alam?

    kelan ba at sino ang nagpasimuno nitong privatization? iyon bang naglalakihang mga bangko ng mundo o iilang mayayamang talaga namang siyang kumokontrol ng utangan ng mga bansang mahihirap?

    ang national power corporation matagal ng privatized sa pangakong uunlad ang buhay ng mga mamamayan dahil gagaan ang bayad sa kuryente … pero ano ang nangyare?

    nagtatag pa ng EPIRA at IPP para daw makumpleto ang progreso … nino? ng mga namumuhunan?

    sabi nila, kokonti lang sila, mga one percent lang daw ng lahat ng mga tao sa mundo … totoo kaya? Oo, totooto! totot na totot!

    sa pilipitnas, binuo ang bagong balangkas ng gobyerno na sinimulan nina aginaldo at quezon na patuloy pa sa ngayon sa panahon ng mga cojuangco-aquino pagkalipas ng lagpas sa tatlong daang taon ng mga kastila.

    kabilang na rito ang mga limampung taon ng mga markano, tatlong taon ng hapon at maiksing panahon ng ingles … wag na lang isama ang mga panahon ng maryapahit at mga bisaya sa mga pulo ng bisaya at mindanaw dahil hindi naman sila nagtagumpay sa pulo ng luzon dahil hindi pumayag ang mga pamunuan sa katagalugan.

    mahigit na sa isang daan taon mula noong patayin nila ang magdiwang ni bonifacio, pero ang bayan na tinawag nilang perlas ng silangan ay sadlak pa rin sa lusak, kahirapan at pagkalugami.

    nasaan na kaya ang mga kabataang naabnoy sa pag-asa daw ng bayan ayon sa mga bayaning kanilang pinasikat, na kumalimot ng tuluyan sa kahalagahan ng mga katandaan?

    patuloy ba tayong tatakbong patuwad sa daang deretso sa impiyerno batay sa mga prisidinting merong lahing intsik?

    Amazing Automatic Glock 17 Gun.
    Play Video
    Photo
  2. Photo
    … we shall meet one of these days, corazon! … heheheh!
  3. Happy happy (belated) birthday to our first princess ate Issey. We love you so much. Kisses from mamu and dada and hugs from me, tito melvin, julia and isabella. Kuya Joel Pinga give our love to the birthday girl. 
  4.  Play VideoPlay Video

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s