429th blog … boom! panes ulit! ng mga planeta, intsik, everest , bote, at ibpa!

… nagpuputok ang butse ni magandang manok na nakaupong nagmumukmok sa kama katabi’t kapiling pa ni itlog na makisig na ngingisingisi habang naninigarilyong mamasamasang nakatihayang masayang-masaya … nalaman ko na rin sa wakas kung sino talaga ang nauna sa manok at itlog … inamin ni itlog na siya ang nauna na inamin naman ni manok na nagmumura na siya nga ang nauna! … boom! panes! …

napakarami na tayong natutuhang mga kalituhan mula sa timog at kanluran … at eto ang mga halimbawa:

siyam lamang daw ang mga buntala o planetang umiikot sa araw at binigyan pa nga ng pangalang solar system, hindi isinama ang mga malilit na buwan at pinag-awayan pa nila ang heliocentric at geocentric …

una nilang isinambulat ang kaalamang palapad ang daigdig at pinasikat sina kupalnikos at kalileyo na sinalo naman ng simbahang romano na nakarating dito sa ating mga pulo

nakita nila ang ating mga hunyangong papalit-palit ng kulay at ipinaliwanag nila kung bakit, dahil sila daw ay mga paham …

nakita nila ang mahabang bakod ng intsik para hindi sila dayuhin ng mga mongoloid sa balat ng mundo at sinabi pang aninag daw diumano ang tatak na ito mula sa buwan na para bagang napunta na sila sa buwan noon at kita nila ang wall ng china …

ang kulay daw ng dugo sa loob ng katawan ng tao ay bughaw na nagiging pula pag dumanak ang dugo at nag-imbento pa ng salitang hemoglobin para maniwala ang balana …

at pinandidigan din nila na ang pating ay walang kalawang sa katawan kaya walang cancer or tumor …

eto pa, kapag tinamaan daw ng kidlat ang anumang bagay, nilalang o lugar, eh hindi na mauulit yon kase lightning never strikes twice in the same place …

ang sagarmatha o chomolungma o qomolangma o zhumulanga ng nepal at tibet ang pinakamataas na bundok sa mundo at bininyagan pa nila ng bagong pangalang everest, kase nga wala silang muang sa tamang pagsukat ng taas at hindi pa nila alam na merong mauna kea sa pulo ng hawaii …

pero nasukat nila ang tagal ng pang-alala o memorya ng isda at ipinagmalaki pang three seconds o tatlong saglit lang …

para lang dito sa pilipitnas na ang mga mamamayan ay madaling makalimot kung kaya hindi na nila malaman kung ano ang tama at kung ano ang mali …

pag sinabi ng pinuno, sunud lang sunod kaya kung gusto ninyong maghari-harian, kumandidato na kayo at mag-ambisyong maging plisidinti ng mga republika ng mga magdalo … magdiwang tayong lahat! heheheh! …

… ang kahalagahan at kahulugan ng buhay ng pangkaraniwang nilalang ay tulad daw ng isang basong tuba, isang boteng beer, alak o lambanog, isang rolyo ng tabako, stick ng sigarilyo o maski joint o weed pa, isang tasang kape o baso ng tubig lamang …

… pero ang baso, bote, rolyo o papel, tasa o mga mamahaling lalagyang nilagyan pa ng maraming drawing at kulay ay mga bagay lamang na paraan upang untugin ang pagnanasa at hindi ang talagang ninanasang tunay na mahalaga sa kanyang buhay …

… walang kinalaman ang halaga ng baso o bote sa lasa’t linamnam ng beer, alak, lambanog, tuba o tapuy at wala ring epekto sa sarap ng kape ang lalagyan nito …

… wala ring kinalaman ang presyo ng nirolyong papel sa usok ng tabako o sigarilyo, ang mga plato, kutsara’t tinidor sa sustansiya ng tubig at pagkain …

… ang tunay na mahalaga ay ang kadalisayan, kabutihan, kalinisan at pagiging marangal kung bakit tayo dapat magkakaroon ng kahit payak na kahulugan bilang tao …

… kung kaya naman sinabi ng isang lumang awit na balatkayo lahat ang tao sa mundo …

… o ano? peke ba kayo o trying hard?!? o baka naman illusion at derision of grandeur lang! … heheheh!

kapag hindi dalisay, hindi mabuti, hindi malinis at hindi marangal, mamimili lang tayo kung ito ay magiging kabutihan o kasamaan, nasa sa atin na yan …

kaya sa mga blog ko, merong question mark, exclamation point, comma, period at laging nakangisi sa buhay na walang katiyakan! … heheheh!

Parasa Pinga's photo.
Jill Pinga-Cruz's photo.
grabe ang galing ni mommy! sophia and max love the hats too! mommy, our turn with the goodies on sunday ha!!
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s