441st blog … pulis, pulis, t….ting matulis, heheheh!

.

Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.
Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.

.. pulis, sundalo … dating mandirigma, pero ngayon puro mangongotong, aka bodyguards ng mga pulitiko, hindi ng mga mamamayan …

… noon pinaalis ang mga bases, ngayon pinalitan ng ibang mga pangalan na mas matindi pa …

… pano na kaya si warlito na kalaro ko sa dart sa prince of wales ng greenbelt, na nag r&r sa manila mula sa zamboanga pero inassign na humuli kay rollie, pareho silang mga tirador – si abadilla tirador na nadadyaryo, si sayam tirador na namumugot ng ulo, talo ni warly si rollie kase bumagsak si makoy …

… pero si warly di manalo saken sa dart, palagi siyang talo, kase pagtumitira palaging pabigla pero madidiin ang tama niya, ang sa aken, banayad lang, me hagod at suwabeng tumama sa mata ..

… kuwento nya ng mabisto na sa dyaryo ang mukha nya kase nga tinanong ko siya kung siyanga ang nasa diyaryo …
sagot niya, alam mo pare, puro bagong sundalo ang kasama kong nangraid kina abadilla, pag-akyat sa bakod ng compound sa libis, puro hulog at dapa sa nginig at takot kase kilala nila si rollie na palaban at mamamatay, pero ng magface2face kami, wala nagawa si abadilla na mayabang pa habang sumusuko dahil kilala rin niya ako, patay na nga rin pala si rollie, natambangan noong hindi na siya sundalo, ewan ko kung sino pero merong mga haka-haka …

… mula noon, ako naman ang natatalo ni warlito sa dart maski pa sa o-1 …

… sabi ko naman, matapang ka pala, pero baket noong isang linggong huli tayong naglaro, me gustong manggulo dito na dalawang grupo ng mga taga-middle east habang inililibre moko ng beer mismo sa bar nato, hindi ka nakakibo? binayaan mokong pumorma, eh mas malaki ka at me panggulat ang muka mo … buti nalang naniwala silang matapang ako! …

… ok, lang yun, pare ko, hindi makakaporma ang mga yun, bubunot palamang sila, tiyak na may hahawak sa kanila, kase tatlo ang badigards ko dito, pasensiya ka na, dimoalam … pero ok ka, pero kaya mo bang pumatay? alam ko ring may baril kang nakatago dyan, pero kaya mo ba ng dibdib mong pumatay? …

… mukhang seryoso sya sa tanong, kaya sinagot ko ng tanong ang tanong niya – kelangan ko bang malaman kung talagang kaya kong pumatay?

… tama ka doon pare, sa akin, biglaan na lang ang dating ng pagkakataon, at pati bbstick nagamit kona, pero ang masasabi ko lang sa iyo dahil sa mga karanasan ko sa giyera sa mindanao, hindi kelangan ang baril o mabibigat na armas kung talagang gusto mong pumatay …

… ang daming paraan, kaya wag ka na lang magbaril, magiging mitsa pa yan ng gulo saiyo, kaibigan, eh hindi ka naman sundalong gaya ko, o pulis man lang …

… mula noon, hindi na kami nagkita ni warlito na hindi ko alam kung naging heneral, basta ang alam ko, nagkaroon ng bagong assignment kasama ni templo para hadlangan ang mga mutiny nina honasan dito sa maynila noong mga taong 1987, at nabalitaan ko pang nagpunta sa kongreso para tumanggap ata ng promotion, nakamayan din daw siya ng isang baklang senador …

… sa panahon ding ito na hindi na kami nagkakasama, nasundan ko naman ang isang dating kabarkada na nagsundalo rin pala at sa mindanaw din napunta …

… laking gulat ni jun ng bigla akong sumulpot isang hapon sa opisina niya sa kampo sa makati, at kilalang-kilala pa niya ako kahit maraming dekada na nakalipas mula pa ng high school  …

… siya si mateo, ang talagang ang pangalan niya at kabatch ko noon high school … kapatid niyang matanda na barrion ding gaya niya ang mas una kong nakilala sa kampo noon, na ikinamangha niya dahil nauna ng yumao ang utol niya …

… sinabi ko ring palagi kaming nagda-dart ni sayam sa prince of wales pero ngayon ay hindi na kase hindi na siya sumisipot doon …

… namangha nanaman niya ng banggitin ko ang pangalan ni warly at sinabi pa niya sa ilang sundalong nakaupo sa paligid na mesa, karamihan ay mga babae, na naging kaibigan ko si warlito, mas kilala pala sa buong army si sayan kesa kay honasan …

… halata kong natuwa siya sa aming pagkikitang muli, at sinabing – kung gustomg maghintay sa opisina o tumuloy sa club house para sa tuluy-tuloy na kuwentuhan …

… sabi ko, doon na lang sa may fairway ng golf club ako maghihintay, kase nga, pumapalo ako noon  … sige, sagot niya saken, kase nga nag-aaral na rin siyang maglaro, kaya nga naipamana ko sa kanya ang aking number one wood na paborito … ibang laro kasi ang alam niya noong nasa mindanao pa siya …

… palagi kaming nagkikita ni jun mula noon … iba-ibang lugar ng inuman pero palaging mga trenta minutos na biyahe ng kotse at laging sa gabi, minsan sa hway ng antipolo, minsan sa lugar ng bikutan, minsan sa bandang caloocan, pareho kaming solo at nasa oras lagi ng usapan …

… wala naman kaming pinag-uusapang seryoso, puro bolahang libang lang, minsan tungkol sa kanyang mga nagawa sa bundok at mga siyudad sa bisaya at mga babae niya … yun nga palang diwalwal eh nabanggit kase naman eh nabanggit kong una …

… isang pulis noon na kabatch din namin sa high school ang aking nakakasama dahil pinapasyalan naman ako sa aking lugar, na dahil alam niya na ako ay gala at dating panay sakay sa eroplano, nakiusap na samahan ko siya sa surigao …

… baket? tanong ko … at ang sagot eh susunduin daw niya ang kanyang mag-inang umalis …
… ah! kabet mo at anak sa labas na susundan mo sa surigao? ganon ba? mahal ang pasahe sa eroplano at hindi ako nagbabarko …

… eh magkano ba kung tayong dalawa? samahan moko sa bilihan ng tiket …

… dahil hindi ako sigurado kung talagang mapera siya, tinanong ko pa kung saan siya kukuha ng pantustos kase ayaw kong gumastos maski na singko,  dalawang tiket ang gagastusan mo, kasama din ang lahat ng pasahe pagdating doon, pagkain, at bayad sa hotel kung sakali …

… sabi niya, siya ang treasurer ng club ng mga pulis at gagamitin muna niya ang pera ng club …

… heheheh! tiyak na ooklapin niya ang mga kasamang pules, pero sa pamimilit niya dahil hindi pa raw siya nakakasakay  sa eroplano at wala siyang karanasan sa biyahe, napahinudnod na rin ako …

… basta ang kasunduan, siya lahat ang gagastos dahil sawa na ako sa biyahe at pagbibigyan ko lang kaya naman pumayag siya sa gusto ko …

… natuloy ang lipad namin at nakarating ng maluwalhati sa pook na unang lalapagan, kaya naggalagala muna kami at kumain bago magpunta sa pantalan ng siyudad, nakita niya ang maliit na bahay sa itaas ng puno sa mismong park  …

… taka siya kung bakit sasakay pa ulit ng malaking bangka de motor … sinabi kong tumahimik lang sa pagsunod saken at tiyak makakarating kami sa island ng kanyang mag-ina …

… sinabi rin niyang may sasalubong samen doon, kaya padaong ng bangka, meron nga kaming nakita na tatlong lalake na me sabit na mga armas sa balikat noong halos nasa laot pa kami  …

… inutusan ko siya na itanong kung sila ang susundo sa amin pagdaong naminpero nagtanong pa ng bakit me mga armas … wag ka ng magtanong tungkol sa armas basta tanungin mo kung sila ang sundo dahil tayo lang dalawa ang estranghero dito…

… at nagtaka pa siya ng makatabi kami sa pampang at magalang na niyaya ng tatlong sundo sa isa pang bangka, kaya biyahe na naman kami na tatlo pa ang security … at saka palamang kami nakarating sa mismong lugar sa siargao …

… ang tatlong cafgu pala ay mga sanay sa bundok ng diwalwal na nabanggit ko noon kay jun, yung kabatch namin na isang sundalong koronel na kagaya ni warlito …

… puro de-baril ang mga nakakasama ko sa aking maraming paglalayag at paglilibot pero ni minsan, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong pumutok para malaman ko naman kung talagang marunong silang lumaban …

… sa putol na kuwento, sumama sa amin ang ina at anak at sumabay pabalik sa siyudad ng surigao matapos ang halos magdamagan kong pakikipag-inuman sa mga kamag-anak ng babae kase tinulugan ako ng pulis na kasama …

… kaso, gustong magbarko ni pulis ng makarating sa siyudad para mag-eroplano papunta sa maynila … kasi gusto niya raw makatipid …

… o, sige sabi ko … basta ako hihiwalay sa inyo, mag-eeroplano papuntang cebu naman para balikan ang aking nakaraan doon noong mga nakalipas na panahon …

… ang ikinainis ko, ang pagkulit saken ng pulis nato na pahiramin daw ko siya ng pera … sagot ko, umandar na naman ang pagkapulis mo, eh tinulungan na kita at alam ko ring hindi na mababalik ang pera ng club ng mga pulis, pati ako kokotongan mo? mahiya ka naman sa akin …

… magastos sa cebu sabi ko sa kanya … dapat nga eh dagdagan mo ang pera ko kase hihiwalay ka saken ng biyahe … iba na lang kotongan mo, wag ako, hindi moko kalaban, tumutulong lang ako sayo …

… pumanaw na ang pulis, namatay sa sakit, at wala na rin si jun  dahil nauna ng pumunta sa langit o impiyerno, pero si warlito eh hindi ko alam …

…at si pogi naman, ibang pulis siya pero kumpare ko dahil inaanak ko ang panganay niya sa tunay na asawa, pulis na humawak sa eastern district at may ranggong koronel eh nasa amerika na at buhay pa sa ngayon … si pogi na nagsabi saken na wag na wag daw akong makikisama sa mga pulis at nagsabing estapador daw ang pulis na kasama ko sa siargao, ay naging under niya …

… pero pinakisamahan ko pa rin silang lahat noon at ganoon din sila sa akin, dahil nga alam kong sa buhay, mahirap malaman kung sino ang may pagkahayop ang ugali at sino ang tunay na tao at merong pagpapahalaga sa karangalan at pagkamaginoo …

… kagaya rin ng pakikisama ko sa isang dating pulis din na nag-aya sa aking sumama sa isang gun club na kaibigan ko rin ang may-ari … ang dami nilang pulis … pulis, pulis, t …ting matulis, heheheh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s