449th blog … ippudo boom! amihan o habagat! … mabuti nga sayo!

ipalitan ng liham ng mag-asawa na nakita ko sa internet … basahin at namnamin! .

mahal kong asawa,

hihiwalayan na kita. naging mabuti akong ama ng tahanan sa loob ng pitong taon pero bale wala lang sayo. nitong nakaraang dalawang linggo ay naging impiyerno para sa akin.

tumawag nga pala saken ang boss mo para lang sabihin na wala ka ng trabaho … ugghh! kaya ito na ang last, dahil dikona carry to!.

last week, pagkagaling mo sa trabaho, ni hindi mo napunang bagong gupit ako. ipinagluto pa naman kita ng paborito mo at suot ko pa ang bagong brief na binili ko.

dalwang minuto lang at tapos ka ng kumain! deretso sa tulugan tapos manood ng tv. hindi ko na naririnig sayo na mahal moko. ayaw mo ng makipag-sex saken …

siguro may kinahuhumalingan ka ng iba at hindi mo na ako talaga mahal … kung ano man ang gusto mo, wala na akong pakialam … paalam!

goodbye to me, ang iyong dating asawa, manuel! magpakasaya ka!

sagot naman ng asawa parasa ex-husband nyang si manuel …

nakakaluwag ng isip ang makabagbag-damdaming sulat mo. sa pitong taong-impiyerno ng ating pagsasama, pinagtiyagaan kitang asawa. nagbababad ako sa tv para dimarinig ang walang tigil na pagbubunganga mo. pero dika makahalata.

alam mo, alam kong bagong gupit ka noong isang linggo at napansin ko na para kang isang dalaga. tinuruan ako ng aking magulang na magtikom na lang ng bibig kung wala akong masasabing maganda, kaya hindi ko na lang pinuna ang buhok mo.

at ng magluto ka at sinabi mo pang paborito ko, para bang napagkamalan mong ako ang kapatid ko kase dinako kumakain ng baboy ng pitong taon.

kusa kong iniwasan ang brief mo kase naroon ang price tag na 90 pesos. nagkataon lang siguro na nanghiram ng 100 piso ang kapatid ko saken.

dahil nga sa mahal pa kita at siguro eh kaya pa nating tiisin ang ating pagsasama. kaya ng tumama ako sa lotto ng 300 million pesos, nagresign ako sa trabaho at bumili ng dalawang ticket papuntang macao at montecarlo.

pero pagdating ko sa bahay, wala ka na, at ang nakita ko na lang eh ang sulat mong malaswa.
siguro nga eh may mga dahilan ang mga pangyayare. dalangin ko na magustuhan mo ang buhay na pinili mo.

siyanga pala, dikoalam kung alam mo na, na ang kapatid kong si marya ay ipinanganak na maryo … sana dika magkaproblema dahil mukang babae naman talaga si maryo kahit walang pera kase ala ding trabahong gaya mo.

sabi nga pala ng lawyer ko, iyon daw sulat mo eh ebidensiya ko para dika makakuha saken maski isang singkong duleng. take care!

ang iyong dating asawa, malayang-malaya at napakayaman!
heheheheh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s