452nd blog … wala lang! sa sky ng mga isda sa middle east! heheheh!

Ang lahat ay may hangganan at katapusan … everything in life is temporary.

Umuulan ngayon pero maya-maya ang ulan titila at lilisan din … every time it rains, it stops raining.

Ang sugat ay maghihilom … every time you get hurt, you heal.

Ang bukang-liwayway ay paalala na ang sinag ng araw ay lalaganap pagkatapos ng dilim at hindi dapat makaligtaan. Huwag isipin na ang kadiliman ay walang katapusan …

… after darkness there is always light – you are reminded of this every morning, but still you often forget, and instead choose to believe that the night will last forever.

Maling-mali ang pananaw na ang ligaya ay panghabang-buhay at walang katapusan. Ang buhay ay mapaparam o maglalaho din …

… nothing lasts forever.

Samantalahin ang bawat ligaya at biyaya sa ngayon … so if things are good right now, enjoy it.

Ang saya ay mapaparam, hindi rin ito magtatagal … it won’t last forever.

Kung ang mga bagay ay hindi magkatugma, huwag mag-alala dahil hindi rin naman tuluyan ang pananatili ng pagkariwara at pighati … if things are bad, don’t worry because it won’t last forever either.

Ngumiti pa rin kayo sa kabila ng paghihirap … just because life isn’t easy at the moment, doesn’t mean you can’t laugh. Just because something is bothering you, doesn’t mean you can’t smile.

Bawat saglit ay panimula ng isang kabanatang laging may katapusan … every moment gives you a new beginning and a new ending.

Ang bawat saglit, ang bawat hakbang ay ikalawang pagkakataon … you get a second chance, every second.

Kailangan lamang na marunong tayong tumanggap ng tadhana’t kapalaran, isabuhay ang anumang pagpapala ng dakilang maykapal … you just have to take it and make the best of it.

… french dining … malinis, laging hinuhugasan ang tinapay bago isubo, kase nga nilalamutak ng kamay ng mga panadero ang arina sa pagmamasa sa maynila! … heheheh!
Trying to understand the complexities of Middle East politics can seem like an impenetrable task and the tangled and changing relations between governments…
Pinga Parasapinga's photo.Pinga Parasapinga's photo.

… isdang mameng, ludong o baghad … ulang, itlog ng dalag … talangka, alimango at alimasag … gulay, kuhol, atay ng manok o ibang mga hayop wag lamang ng sa tao … bibe, gansa o baboy … tadyang o pigi ng baka … halamang-dagat o talbos ng kamoteng baging na isasawsaw sa sibuyas, kamatis, kalamansi … o sukang paombong na tinimpla ng asin o patis … isama na ang kuhol, balut at mga lamang-tiyan … lahat ng mga ito masarap dipende sa luto at paghahanda … gaya ng enselada o hilaw at sariwa … nilaga, ginisa, pinaksiw, sinigang, inihaw, sinalab, binagoongan, binuro o ginataan … samahan pa ng lambanog at tapuy … murang-mura kumpara sa pransiya …alang panama ang krug champagne, saddle of lamb, dover sole, halibut, black cod paupitte, foie gras, escargot, spring pea, soft shell tempura, lobster at caviar ng le cirque na kinakai’t iniinom ng mga mayayamang pinga! kainggit sila! …

 Sarah M. San Juan and Raymond Ciruelos like this. hehehe .. d best ka tlaga nongni!
Pinga Parasapinga's photo.
Pinga Parasapinga's photo.
Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.Jill Pinga-Cruz's photo.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s