388th blog … abnoy na mongoloid, heheheh!

  1. Mongoloid ang bansag sa down syndrome na isang pisikal at mental na kalagayang dulot ng pagkabuo ng genes o mga itlog bago pa lamang ipanganak ang isang sanggol mula sa sinapupunan o pagbubuntis ng ina sa loob ng siyam na buwan, humigit-kumulang.

    Tatlo daw ang kopya ng chromosome 21 na dapat ay dalawa lamang. Isang tingin mo lang ay alam na agad na ang isang tao ay may down syndrome dahil ang galaw at itsura ay tulad daw ng isang taong may labis na chromosome 21, ang sabi nila.

    Malambing na ugali na likas, kaya kasalanan ng mga tao kung sakaling hindi nila maunawaan ang mga kalagayang ibinigay ng dakilang lumalang. Isang halimbawa ng ganitong kalagayan ay isinasalarawan ng isang karakter na “nino” sa isang tv show, pero hindi sa mukha o hitsura kundi sa kanyang pananalita at kilos na nakakatuwa.

    Merong mga batang itinuturing na kakaiba ang ugali, kilos o ayos, na ang iba ay laging mapag-isa o subsob sa sariling mundo, merong sariling pananaw gaya ng kabayong piniringan sa magkabilang gilid ng mga ulo para diretso ang tingin o pananaw sa mundo.

    Ang mga taga malayong kanluran ay sanay mag-imbento ng mga salita at dinagdagan nila ng autistic ang mongoloid at down syndrome, pinaghalu-halo at lumabas ay ang abnoy na penoy at balut sa pulo ng ginto, na inamuy-amoy na parang pinandidirihan.

    Mas gusto nila ang taba ng baboy, ayaw nila ng balut, pero tila gusto nila ang abnoy, kaya abnoy na lang tayong lahat, abnoy! abnoy! abnoy! abnoy kayo diyan!

    Ang mga mongoloid at kauri nito ay biyaya ng maykapal. Sila ay kabahagi ng pamayanan at ng lipunan Tinagurian daw silang mongoloid ng mga taga-malayong kanluran noong unang panahon ayon sa mga hitsura ng mga ilang katutubo sa mongolia.

    Ang hindi naitala ng kanilang kasaysayan ay ang pagkakaroon din ng sintulad na kalagayan sa kanilang sariling pamayanan, tulad ng mga bakla o binabae, na karaniwan lamang sa anumang lahi sa mundo, maging sa pinakaliblib na pook ng amerika, aprika, asya, yuropa atbp.

    Walang karapatan ang sinuman na humusga sa pagkababae, pagkalalake o mismong pagkatao ng isang nilalang. Ang importante lamang ay kung ano ang ginagawa sa totoong buhay.

    Ang down syndrome ay mga tunay na nilalang na may puso at may karapatan sa kapayapaan at kaligayahan at hindi nararapat ituring na isang sakit. Kung bakit pinalalabas sa kanilang mga aklat na ito diumano ay sakit ay sila lamang ang nakakaalam.

    Ang sagot ko: ang down syndrome ay isang karamdaman, at sa tagalog, ang karamdaman ay karaniwan at likas na kalagayan sa pagdama na isang tao maging ito man ay mula sa isip o katawan.

    Sa totoo lang, ang mga taong tinagurian nilang merong down-syndrome ay maaaring mamahala ng pananalapi ng isang bansa, o maging presidente, kaya lumingon tayong lahat sa likod at baka sila ang itinuturing na mga pinuno ng ng bansa.

    Ang Down Syndrome ay ipinangalan mula kay John Langdon Down, ang kauna-unahang doktor na nagpakilala dito noong 1886. Ayon sa kanila, ito raw ay isang mental disorder dulot ng pagkakaroon ng problema sa genes na nangyayari bago pa lamang ipanganak ang isang sanggol sa sinapupunan ng ina.

    Sa ganitong kadahilanan, ang mga bata ay nagkakaroon at nagpapakita ng ilang katangiang pisikal at mental na aspeto tulad na lamang ng pagiging lapad o sapad ang mukha, maikling leeg, mga braso , at binti, gayundin ang mabagal at mababa daw na lebel ng pang-unawa, maging sa kilos o paglakad ng mga taong mayroong down syndrome.

    Ngunit marunong at nakakapag-isip pa rin sila ng tama tulad ng ibang tao. Ang isang batang may down syndrome ay maaring hindi makapagpahayag ng ninanais at pangangailangan tulad ng iba. Ang iba naman ay mapagpilit o hindi masasawata sa kanilang gustong sabihin, isipin o aktuwal na gawin.

    Sa kanilang paglaki at pagtanda, maaring magkaroon ng pagbabago sa kanilang pag-iisip, galaw o kilos, pero mahirap mabago o maitago ang mga palatandaan ng karamdamang down syndrome.

    Totoo kaya na sina abnoy at kem ay merong down syndrome? Mabuhay ang bansang pilipitnas!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s